Bwisit na Collin yun!!! Akala mo naman gwapo... Papansin naman... Humanda sakin yun bukas!!! Ay ngayon alam ko na pangalan niya!! Hahahaha....
Tumakbo ako papalabas ng kwarto ko patungo sa kwarto nila mama..."maaaa!! Alam ko na pangalan niya!!Collin Smith po." Pasigaw na pagsabi ko... Pero parang ayaw naman nila ako pakinggan kasi ang sarap sarap na ng tulog nila. "Oo sige anak.. Matulog kana... May pasok ka pa bukas.. Paki sara pala yung pinto" mahina at parang tinatamad ng magsalita si papa... Pagkasara ko ng pinto ay dali dali naman ako pumunta sa kwarto ni Clyde kaso tulog na din siya. Hayyyyy nako.. Totoo nga yung nabasa ko sa twitter lunes ang laging malas!!! Kaasar... Matutulog na nga lang ako.
****
Habang kumakain kami ng breakfast ay sinabi ko na kaagad kanila mama at papa yung pangalan nung transferee..
"Ma,Pa alam ko na pangalan niya"....."oh? Di nga?".. Sagot ni papa..."paano mo naman nalaman Kate? Baka niloloko mo lang kami ng tatay mo"....pabirong sabi ni mama...."ma alam ko na po talaga!!"...sagot ko na parang nagmamaktol na isang bata..."eh ano naman ate? Sige nga!"...sumbat ng kapatid ko... "Okay... *sigh* ehemmm..."...."ano na ate?" Patanong na tila naiinis na saakin... "Eto na... Collin Smith po ang pangalan niya"... Ng pagkasabi ko ay nagtawanan silang lahat?.... "Nako anak di lang pala sila ang may ari ng school niyo anak pa pala siya ng artista".... Patawang sabi ni papa habang kumakain..."oh talaga pa?" Tanong ko na parang interesado naman daw ako kunwari...."oo...diba si Will Smith artista... Ibigsabihin anak siya ni Will Smith?".... -___- "ang havey pa!" Sagot ko... Ang corny talaga magjoke ni papa... Sabay "hahahahahahha".....
****
Habang naglalakad ako sa hallway ay wala yung mga hipon at higad... Bakit kaya wala sila? Siguro nagsawa na sila sa akin... Ang saya naman ng araw na to... Hahahahaha...."tugshhhh****".... "Aray ko naman" bagtingin ko ay si Collin tinapid niya ako tapos tumatawa pa sabay naglabasan yung mga higad at hipon na may dala dala pang confetti at nakita ko pa yung isa may dalang candila.... "Hahahahaha looooooser!!! Monster!!" Sabay sabay na sabi ng mga bruha... Si lalaki naman yun nakangiti at di pa ako tulungan na tumayo sa pagkakadapa ko.... Teka bakit ko pa inaasahan na tutulungan niya ako eh siya nga pala nag plan nito halata naman eh... May pa confetti confetti pa yung mga hipon at higad na yun... Binigyan ako ng kandila ng isa sa mga bruha "para san to?" Tanong ko na parang naiinis.... "Magtirik ka na ng kandila mo kasi araw mo ngayon Nerdy!!! Hahahahahaha".... Bwisit..... Talaga oh.... May kumuha ng kamay ko saka hinila ako bigla papunta sa clinic..... Nakita ko yung mga bruha at si Collin na nabigla sa ginawa ni... Teka sino ba siya? Pinunasan ko yung salamin ko sabay "ay uy sino ka? Ba't mo ako pinunta dito?"..... "Ay sorry miss nakia kasi kitang inaapi saka may sugat ka sa tuhod kaya dinala kita dito para gamutin ng school nurse natin".....na 3 seconds ako kasi di ko inakala na may tutulong sa akin at grabe ang gwa---... Whatever.... Inabot niya ang kanyang kamay sa akin "hi... Ako nga pala si Kian".......inabot ko naman yung kamay sabay "ako naman si Kate..".... "Nice to meet you Kate".... Sabi ni Kian... Ng dumating na yung nurse naiiyak ako sa sobrang sakit nung nilagay niyang alcohol... Pero hinawakan niya kamay ko sabay "tiisin mo lang.... Para mabilis na gumaling at maalis yung bacteria sa sugat mo".... Grabe nakakainlove siyaaa.... Yung halos mahihimatay ka kasi gwapo na nga mabait pa....
Habang naglalakad kami papunta sa room ko ay nag-uusap kami kung anong section siya "ayyy St. Stephen ako eh ikaw?" Tanong niya sa akin... Habang nakangiti... Sheeeet... My gosh nakakatunaw siya.... Pwe landi ko... "Ah eh St. James naman ako" sabay takbo na para iwan siya kasi late na ako at may klase pa ako...
Later na ulit mag-uupdate!!! Hahahahaha thank you talaga sa pagread ng 1st story ko here on wattpad. Hope you guys like it.....
BINABASA MO ANG
The Geek and her seatmate
Novela JuvenilMaari kayang makahanap ng Agustus Waters si Kate Salveda na mas kilalang "Nerdy"? Isang matalinong estudyante si Kate. Lagi itong nasa top ngunit iba ang tingin sa kanya ng mga kaklase dahil sa pagiging weird nito. May makikilala itong binata na mag...