"Kate's Pov"
Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay iniisip ko lang si Collin... Iniisip ko yung sinabi niya.....GE KUMAIN KA LANG... WAG MO NA AKONG GISINGIN.... INAANTOK PA AKO DAHIL SAYO....dahil sayo...dahil sayo... dahil sayo....
Yan lang ang tumatakbo sa isip ko... Nagulat nalang ako ng may bumangga sa akin....at nalaglag yung salamin ko... Ng pupulutin ko ay may biglang kumuha at binigay sa akin "sorry ha, nabangga kita... Oh eto na yung salamin mo" sabi nito....Pag-angat ko ng ulo ko ay bigla niyang isinuot sa mata ko at sabay ngiti.... Si Kian pala yun...
Bigla bigla akong napanganga... At sabay "ah eh ah... Uhmmm sorry din kung nabanga din kita...sorry talaga"....sabi ko na para akong timang na nagdadasal sa harap niya..... "Okay lang..." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko....... Syeeeet nasa langit na ba ako? Ay Kate ang higad mo. Pwe.... Sabay ngiti na parang baliw...
Habang kumakain kami ni Kian sa table ay may biglang may naglagay ng kamay sa eyeglass ko...."hooooy, sino ba yan?...Masisira yung salamin ko!"....Pilit kong itinatanggal ang kamay niya... Infairness mabango kamay niya ah.... Hindi katulad ng iba na amoy kubeta... Hahahahaha...."Kung sino man eto ang baho ng kamay mo"...biro ko... Tinanggal niya ang kamay niya sa salamin ko sabay "Uy hindi ah..." Sabay amoy sa kamay... Si Collin pala A.K.A Ugok.... "Loko to ah"... Sabi niya sa akin sabay tabi sa inuupuan ko....
Hala parang na O-Op na si Kian... Kakausapin ko sana siya ng biglang nagsalita si Ugok....
"Oy pare! Kamusta na".... Sabi niya kay Kian...."hahaha ayos naman pre. Kaibigan mo pala si Kate".... Ngumiti siya at syeeet hindi ko na makita yung mata niya... Ang singkit niya... Nakakatunaw siyaaaaa....
"Oy hin----" sabi ko say Kian....nanglaki pa yung mata ko kaya sa sobrang gulat....lam mo yun tapos biglang tatakpan yung bibig mo ni Ugok..... "Actually bro, hindi ko lang siya kaibigan.....Bro Girlfriend ko nga pala...."....tukneneng to ah.... Girlfriend? Umaygad... Ang kapal naman!!!
Dugyot din to.... Ayaw pa niyang tanggalin yung kamay niya sa bibig ko.... Lalawayan ko na talaga to...."Ay ganon ba.... O sige alis muna ako sa inyo baka nakakaistorbo ako"... Sabi ni Kian.... Jusme hindi ko siya boyfriend ... Kung nakasabat lang talaga ako....tapos ngumiti na naman siya... Hala... Yung ngiti niya... "Oh sige bro" .... Sabi ni Ugok na parang tuwang tuwa pa....
Sa wakas tinanggal niya din yung kamay niya.... Kanina pa ako nagtataka sa kanya ah.... Kanina sabi niya di daw siya nakatulog dahil sa akin tapos ngayon pinakilala niya ako bilang.... Aaaaaaaah!!!!!.....habang pinupunasan ko yung salamin ko ay "Sabi mo matutulog ka? Ha? Bakit ka nandito?Akala mo nakakatuwa yung mga ginagawa mo? Pwes hindi HO!" Sabi ko sa kanya sabay walk out....
Hanggang pagdating sa room ay di kami nagpapansinan.... Aba'y dapat lang....
Pag-uwi ko sa bahay ay biglang nagflash back yung sinabi niya kanina habang nagbabasa ako ng libro....nakuuuu.... Nakakaasar na nakakahiya kay Kian.... Kung ako ang tatanungin ayaw ko siya... Hindi naman sa pagiging choosy pero ayaw ko talaga siya... Sino ba naman ang magtatagal sa ugali niya or magustuhan man lang....
Binuksan ko ulit yung fb account ko... May nagmessage agad sa akin... Aba si Ugok na naman.... Hindi ko muna binasa... Nakakaasar siya....tapos nagmessage ulit siya.... Binasa ko na din ang kulit naman kasi
SIMULA NGAYON GIRLFRIEND NA KITA.... SA AYAW AT SA GUSTO MO AYON ANG GAGAWIN MO....
MAGPRETEND KA NA GF KITA SA LAHAT NG STUDENTS....
yan ang message niya sa akin... ANO?... Aba baliw na talaga to... Bakit naman ako magprepretend? Saka gf niya na ako agad without even asking my permission? Aba!!!! Sumusobra kana....
"BAHALA KA!!! AYOKO SAYO...WALANG TAYO...WALANG MAGPREPRETEND!!!!!!!" Reply ko sa kanya habang naka kunot yung noo ko....
I LOVE YOU...
....ano daw? I LOVE YOU?... Ano yun?.... Aaaaaaaaah!! What the? Loko talaga tooooooooooo!!! Mamatay kana!!! Ang sarap mong tirising ugok ka!
"YUCK!!!" Sagot ko sa kanya.... Jusko kadiri talaga to.... Yuuuuuuck....... Nakakasuka naman....
SUS GUSTO MO DIN NAMAN....I LOVE YOU KATE....
nang nabasa ko ulit yun... Ay biglang bumilis yung baby heart ko.... Hala... Ano to??? Teka... Perooo...
Dali dali akong naglog-out... Bakit ganito? Bakit parang iba yung pakiramdam ko? Bakit parang ang saya ko? Pero? Ano tooooo??.... Hindi kaya may gusto na ako sa kanya?.... Hindi nga ba? Halaaaaaa... Hindeeeeeeeeeee
Tinanggal ko yung salamin ko sabay takip ng unan sa mukha ko.... "HINDI KO SIYA GUSTOOOOOOOOOOO!!!" Sigaw ko.. Sabay sipa pa...
"Ano ba yan Kateeee? Ang ingay mo gabing gabi na sigaw ka pa ng sigaw!" Sabi ni Mama...Yan Kate.. Yan kasi ang ingay mo...
Hanggang sa pagtulog siya at siya lang ang iniisip ko... Pero mali parin... Maling mahulog sa kanya....
Hi sorry ngayon lang ulit nag UD.... Next time babawi ako... May pasok na kasi ulit eh...
Sa tingin niyo may gusto na nga ba si Kate kay Collin? Abangan nalang natin sa mga susunod pang UD...
Good night!!!

BINABASA MO ANG
The Geek and her seatmate
Teen FictionMaari kayang makahanap ng Agustus Waters si Kate Salveda na mas kilalang "Nerdy"? Isang matalinong estudyante si Kate. Lagi itong nasa top ngunit iba ang tingin sa kanya ng mga kaklase dahil sa pagiging weird nito. May makikilala itong binata na mag...