"Collin's Pov"
12:30 na pero di parin ako makatulog...iniisip ko parin si Sunget.... Ang cute cute niya pag naiinis... Lul! Tama na nmga Collin!! Pero bakit siya at siya lang ang laman ng isip ko? ....tinap ko yung ulo ko para mawala siya sa isip ng pogi... Pero ayaw parin... Ba't ayaw gumana? Teka....
Pumunta ako sa salamin at trinay kong magsuot ng katulad ng salamin ni sunget pero... Aba bagay ko pala... Hahahahahaha pero hindi cool... Sa bagay baduy naman yun... "Bakit kaya nasa isip ko lang siya?" Tanong ko sa salamin.... Parang magsasalita naman daw... Tsk...
Bumalik ako sa kama at binuksan ko yung Twitter ko... "Please get away from my mind sunget!!" Tweet ko... Hayyyyy....
Bukas nga kakausapin ko si Kian... Matagal tagal na din kaming di nag-uusap ah....
Eh teka.... Uminom naman na ako ng gatas kanina bakit di parin ako makatulog?....
Nagtungo ako sa kwarto ni Manang Cristy "Manang" sabi ko habang kinakalabit ko siya..."ohhh?" Sagot niya..."Nang, di ho makatulog si Pogi"...sabi ko sabay ngiti..."magbilang ka nalang ng tupa... Para makatulog ka"...
Pagkatapos non natulog na ulit si Manang... Bumalik ako sa kwarto ko at nagsimula na akong magbilang ng tupa "1,234....1,235....1236"... Syet umabot na ako hanggang 1000 plus di parin ako makatulog... Baka may insomia na ako... Tsk... Kainis na sungit yan!!
********
Pagpasok ko ay bigla na akong inantok... Letcheng antok to bakit ngayon ka pa dumalaw... Bakit di kagabi? Bwiseeet!!!....Habang nagtuturo yung teacher namin nung period na yon' ay natulog nalang ako.... Tutal di naman ako sisitahin nun... Kami kaya may-ari ng school na to....
Habang natutulog ako ay may kumalabit sa akin..."hoy... Gising!!!" Bulong nito....sino ba to? Bwiset ah inaantok pa ako tapos gigisingin ako..."anoooo?" Sigaw ko... Sabay angat ng ulo ko..."recess na ho..." Sabi ni Sunget.... Kung kelan ang sarap sarap na ng tulog ko saka naman ako gigisingin.... "Ge kumain ka lang... Wag mo na akong gigising... Inaantok pa ako dahil sayo".....sabi ko sabay balik tungo na naman sa desk ko...."sakin? Dahil sakin?" Tanong niya habang niyuyugyog niya ako...."uyyyy"... Di ko nalang siya pinansin kasi antok na antok talaga ako... Tapos naramdaman ko na umalis na siya sa tabi ko...
Hay salamat makakatulog na ulit ako... Ang hirap pala pag siya lang laman ng isip mo tuwing gabi.... Mapupuyat ka.... Tsk....
Yan muna sa ngayon.... Good mornight!!! Inaantok na ako... 1:18 na pala... Hahahaha
BINABASA MO ANG
The Geek and her seatmate
Teen FictionMaari kayang makahanap ng Agustus Waters si Kate Salveda na mas kilalang "Nerdy"? Isang matalinong estudyante si Kate. Lagi itong nasa top ngunit iba ang tingin sa kanya ng mga kaklase dahil sa pagiging weird nito. May makikilala itong binata na mag...