"Endless chat"

37 2 1
                                    

"Kate's Pov"

Sinusubukan kong kunin yung tulog ko ngunit tila binabagabag ako ni Collin. Hanggang ngayon nadadama ko parin ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko naman siya natitipuan pero bakit gan'to?....

Pagkabukas ko ng facebook ko ay ang daming messages ang natanggap ko at isa na doon si Collin....

Kinuha ko yung salamin ko para mabasa ko yung message niya sa akin.....

"Hi Kate... Thank you for comforting me.".... Message niya sa akin...... Pero bakit ganito? Bakit ganito kabilis ng tibok ng puso ko?... Teka nga... "Inhale.....exhale..."... Yan okay na... Pero bakit nangyayari sa 'kin to?... Nireplyan ko siya para di naman niya isipin na wala akong pake sa kanya....

What the? May sinabi ba akong may pake ako sa kanya? Hala.... Hindiiii...erase...erase...erase....nababaliw na ako... Sasabihin ko na ata kanila mama na dalhin na ako sa mental....

Syempre joke lang... Pero bakit nagakakaganito ako...."ayos lang.... Nakakagulat ka kasi".....reply ko... Nagreply naman siya kaagad sa message ko.."ha? Nakakagulat ako? Paano naman sunget?".... Kumunot noo ko ng may sunget siyang sinama sa message niya... Di naman ako masungit ah kung tutuusin nga siya pa yung mas masunget saming dalawa... "Pano ba naman kasi nakakagulat kang magdrama..!" Dugtong ko habang nakangiting nagtatype...."oy di drama yun... Nagtatanong lang ako sayo kanina... Malay ko bang drama na pala sayo yun.." Reply naman ni ugok.... Bwisit talaga to... Mamatay kana sana... Hay nako...."oo na" sabay ngisi... Nakakatamad kasi siyang replyan...Tsk......."bakit pala kanina hinila ka ni Kian?"....wow...lang wow.... Teka pano niya nakilala si Kian eh transferee lang naman siya?..."pssst! Pano mo nakilala si Kian?" Tanong ko habang hinihintay yung reply niya..."naging classmate ko siya before sa ibang school...kaibigan ko yun..."... Ano naging classmate niya si Kian? Teka teka... Magkaibigan daw sila!!!! "Oh talaga? Baka niloloko mo lang ako?" Sagot ko.... Nakakapagtaka lang kasi talaga... Pero bakit di sila nagpapansinan? I mean bakit di sila nag-uusap?... "Hindi kita niloloko... Kulit neto... Oy di mo pa sinasagot tanong ko sayo!!! Bakit ka hinila ni Kian?".... Kaasar talaga to... Nakakainis... "Syempre tinulungan niya akong makaalis sa inyo... Buti pa siya may puso... Di katulad mo... Buti pa siya dinala ako sa clinic para gamutin yung sugat ko.... Nakakaasar at nakakainis ka sa totoo lang... Ikaw may kasalanan ng lahat ng ito!! Bwisit kaaaaaaaaa!!!".... Napasipa ako sa sobrang inis sa kanya..... Kahit sino naman talaga maiinis... "Tskkk... Wag ka ngang lalapit sa kanya!!! Kababae mong tao lapit ka ng lapit sa lalaki... Saka binawian lang kita sa pagsusungit mo sa akin...".... Aba aba nang-aasar talaga... Binawian niya pala ako... Humanda to sa akin bukas.... Kahit mag mukha na akong baliw sa school babawi at babawi ako sa kanya bukas!!! Saka ano naman ang pakialam niya kung sumama ako kay Kian? Kung tutuusin mas mabait yun ng 100% kesa sa ugok na yun... And siya lang din ang kauna unahang tao sa school na nakipagkaibigan sa akin... "Paki mo ba kung kasama ko si Kian?" Reply ko habang nagtitimpi na ako sa sobrang galit...." May paki ako.... Because...I care for you Kate".... Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at parang lumulutang ako.... BECAUSE.... I CARE FOR YOU KATE....ano ng nangyayari sa akiiiiiiiin????.... Hindi ko na siya nireplyan at naglog-out na ako.... Patuloy parin siyang tumatakbo sa isip ko.... Anong gagawin ko? Bakit ganito? Kakaiba tong nararamdaman ko? Pero bakit?....

*********

Ano na kayang nangyayari kay Kate? Nababaliw na ba talaga siya o hindi pa niya alam na unti unti na siyang nahuhulog sa binata?...abangan...

The Geek and her seatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon