I went back inside our room. Lahat sila ay mukhang tulog na. I took my friends' shoes off and tucked them in bed. Then I took off my clothes and showered, did my skincare routine and wore my pajamas before laying down next to Winter who is fast asleep.
Kinabukasan, nagising ako nang nakaramdam ng pagtama ng unan sa mukha ko. Napaupo ako bigla at napatingin kay Trina na siyang may hawak ng isa pang unan. Sina Ashley at Winter naman ay nakaupo sa dalawang upuan sa gilid, minamasahe ang ulo at may baso ng tubig at gamot na sa ibabaw ng lamesa.
"Hoy babae! Ano nangyari kagabi?" tanong ni Trina sa akin. I groaned and massaged my head to ease the hangover.
"Good morning din sa'yo," I said. She rolled her eyes and handed me a glass of water.
"Trina, ikaw nga tong maharot kagabi 'di mo man lang naalala," sabi ni Winter na natatawa.
"Weh?! Teka check ko nga baka nabigay niya number niya," sabi ni Trina sabay kalikot sa kanyang phone. Kinurot naman siya ni Winter.
"'Di na talaga ako iinom ulit," komento ni Ash habang patuloy na minamasahe ang ulo.
"Eh kung 'di ko pa naman kayo hahanapin, 'di niyo na ata ako babalikan sa table," sagot ko.
"Paano tayo nakauwi, siz?" tanong ni Ashley. I looked away shyly.
"May naghatid sa'tin," sabi ko. Napatingin naman silang lahat sakin na nakakunot ang noo.
"Sino? Hala siya, humarot ka rin?" Trina asked excitedly. She clearly did not remember the face she complimented last night.
"Hindi. Si Aiden ang naghatid sa'tin,"
Nang natanto nila kung sino yung pangalang binanggit ko ay tumaas ang kanilang mga kilay at makahulugan akong tiningnan.
"Aiden? Sanarez?" Tanong ni Winter. I nodded. Napatili naman si Trina.
"Aiden Sanarez? Eh 'diba siya yung kaisa-isang crush mo sa buong buhay mo?"
"Ang OA mo naman, Trina. Grabe ka naman sa buong buhay," komento ko.
"Eh, totoo naman. Pano sya napunta dito?" tanong niya.
"Malamang, nag-eroplano o barko," sagot ni Ashley. Binatuhan naman siya ni Trina ng unan.
"May business event daw na pinuntahan," sabi ko. Kinurot naman ako ni Trina sa braso.
"Pasalamat talaga tayo na siya ang napiling model ng Business Management para sa editorial mo. Sa wakas, within your reach na siya."
I shook my head. "Ewan ko sa inyo. Mabait lang yung tao kaya siya na naghatid sa'tin,"
"Mabait talaga. Gwapo pa saka matalino. Siz, aarte ka pa ba diba nasa kanya na lahat," sabi ni Trina. Nakita ko naman ang lumipad na unan na binato ni Winter papunta sa kanya.
"Aray naman!"
"Harot ka," saad ni Winter.
"'Di no! Kay Lumi na yun."
"'Di naman ako gusto nun," saad ko.
"'Make him like you then," nakisali naman si Ashley. I rolled my eyes and just laughed my way out of the conversation.
Nagbeach kami ngayon as our first stop sa aming trip. Dala dala ko ang aking camera habang papalapit kami sa aming nakitang open space.
Nilapag na namin ang aming mga gamit at nagpakita na rin ng kani kanilang swimsuits. Winter and Ashley were both wearing a two-piece bikini while Trina and I went for a one-piece swimsuit. They wanted to have a photoshoot first kaya't kinuhanan ko muna sila ng mga litrato. I directed their poses according to the lighting of the sun and the angle I want the picture to look.
YOU ARE READING
You Captured Me
RomanceLumien's dream has always been to be able to prove something to the world - to prove to her family that her passion is worth it, to prove to society that she has a place here, and to prove to herself that she's going to make it. She doesn't have tim...