Chapter 15

34 1 4
                                    


"Are we together now?" I asked. Papunta na kami sa parking lot para umuwi. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami.

He chuckled sweetly. "Diba dapat ako ang nagtatanong niyan?"

Ah, baliktad ba? Oo nga naman. Napangiwi ako. Napaghahalataang masyadong excited, Lumi.

Hinarap niya ako sa kanya.

"Will you be my girlfriend, love?" He whispered, as if he doesn't want the world to hear his question... only me.

Napangiti naman ako sa tanong. Itong lalaking ito. Kahit na alam niyang umamin na ako na mahal ko siya, nagtanong pa rin siya para maging official na kami. Oh Aiden. Always a gentleman.

"Yes."

Pagkahatid niya sa akin ay dumiretso na ako sa kwarto. I covered my face with my hands because I couldn't stop smiling. Umamin na ko, finally. Boyfriend ko na si Aiden. Kami na ng crush ko. What the heck? God, if this is a dream, don't wake me up please. If this is a joke, I want to stay fooled for now.

Tumunog naman ang cellphone ko. It was a notification from Instagram... from Aiden! I checked it and it was a new post from him. Nanlaki ang mga mata ko nang pinost niya ang isa sa mga selfies namin noong nag-date kami sa Tagaytay. I sent the selfies to him when he asked for it. Sa litratong ito ay nakahalik si Aiden sa pisngi ko habang nakangiti lang ako sa camera.

aidenmav: yours.

Instantly, a flood of likes swarmed his post.

Puro capslock na mga mensahe rin ang natanggap ko sa group chat naming magkakaibigan. Tinatanong kung kami na raw ba. Ayun, sinagot ko naman ang mga tanong nila at nagkwento rin ng kaunti. Sa sobrang saya ko hindi ko na napigilang magkwento.

Noong gabing iyon, sabihin na nating hindi ako nakatulog nang maayos. And I'm okay with that.

"Oh, Lumi!" Gulantang na sabi ni Ashley nang makita akong lumabas ng kotse. I stood beside Aiden as he closed the car door. Ashley hugged me and then smirked looking at us two.

"Nandoon na ang banda sa backstage," anya. Tumango naman ako.

"Manonood ka ba?"

"I guess so. Sabihin mo kay Clifford na taasan yung bayad sa'yo ah."

Natawa naman ako roon. I assume she will also be closer to the stage later. Makuhanan nga rin ng litrato ang mukha ng kaibigan ko. I mentally laughed.

"Well then, I better go find Trina inside. Kita nalang tayo mamaya. Have fun you two!" She winked before leaving us.

Ngumuso naman si Aiden at pinasadahan ang kanyang buhok. Bahagya niyang ginulo ito.

"Are your friends here?" I asked.

"Yeah."

"Great! Tara na." He grabbed my hand as we went inside the campus.

Medyo marami rami ring tao ang dumalo ngayon. Kita ko naman ang effort ng mga naghanda nito. May mga booths na iba't ibang mga kulay sa mga gilid at mga street bands na tumutugtog. Kita ko rin ang mga palamuting mga fairy lights na iilawan maya maya. Students are walking around holding some prizes and snacks from the booths. This almost looks like a carnival if you ask me. I also heard that there will be a firework show at the end of this event. Grabe. This university is so extra.

Naka-shorts lang ako saka isang oversized na graphic t-shirt, paired with my white and beige sneakers. Aiden was also just wearing shorts and a vertical striped shirt paired with his black sneakers. I sidely eyed him while he was looking around. Bakit ganun? Kahit simple lang ang suot niya, ang gwapo pa rin. Hindi na niya kailangan mag-effort. Bwisit. Bakit ang gwapo ng boyfriend ko? Damn. Natatawag ko na siyang boyfriend ko!

You Captured MeWhere stories live. Discover now