Sais

122 9 3
                                    

"Mahal kong kapatid, Oh Haring Ismael." Bungad ng Prinsesa Minerva sa Hari.

"Minerva."

Isang halik ang ginawad ng Prinsesa sa kanyang kapatid na lalaki.

"Aah!" May kung anong matalim na bagay ang tumusok sa kanyang kaliwang leeg. Hinugot niya iyon. Isang sibat. Isang sibat na sa tantiya niya ay may halong lason. Napabalik ang tingin niya kay Minerva. Nakangiti ito sa kanya. Sa likod nito ay may apat na sundalong may dalang mga espada. Naghagis ang dalawa ng lambat na gawa sa pilak. Para siyang isang hayop na handa nilang lupigin.

"Ba-bakit Minerva? Bakit kapatid ko?" Ramdam niya ang pagdaloy ng kung lason sa kanyang leeg, patungo sa kanyang puso. Hinang-hinang bumagsak ang Hari sa kanilang paanan.

"Kung nakinig ka lang sana sa akin Mahal kong kapatid. Hindi na sana tayo umabot sa ganito."

Tuluyan nang nagdilim ang buong paligid. Tuluyan nang nawalan ng malay si Haring Ismael.

Walang nagawa si Luis sa nakitang pagdakip sa Hari. Hindi pwedeng silang dalawa ng Hari ang mapasakamay ng Prinsesa. Hindi din niya pwedeng kausapin ang ibang natitirang mga kakampi nila. Kailangang manatiling lihim kung sino pa ang sumusuporta sa Hari. Kailangan niyang mag-ingat. Kung hindi ay madadamay at mapapagamak pati ang kanyang mga kapatid.

Kailangan niyang palihim na makatakas. Kailangan niyang tuparin ang pangako niya sa Hari na ililigtas niya ang kanyang mag-ina. Tsaka na niya iisipin kung paano maililigtas ang Hari sa kamay ni Prinsesa Minerva.

Mataman siyang nagmasid sa paligid. Kasalukuyang nakakulong ang Hari sa isang bakal na kulungan. Napapaligiran din siya ng apat na pinakalamakas sa mga sundalo ng kanilang lipi. Pinamumunuan sila ni Selso, ang paboritong sundalo ng Prinsesa. Labis ang paniniwala ng lalaki sa Prinsesa. Natatabunan ang tamang pananaw nito ang pag-ibig na nararamdaman sa Prinsesa. Hindi na ito nakakapag-isip ng tama. Tuluyan siyang naging alipin ng babaeng kanyang minamahal.

Wala magawa sina Luis at ang iba pang mga kapanalig ng Hari. Kailangan silang mag-ingat. Kung magkakamali sila sa kanilang ikikilos ay pati ang sarili nilang mga pamilya ay madadamay. Tiyak na ipapatay din sila ng Prinsesa.

"Nadinig ko na tutungo sina Selso at Prinsesa Minverva sa bahay ng tao. Siguradong papatayin nila ang magiging anak ng Hari." Bulong kay Luis ng isang alipin.

"Sige. Salamat. Mag-iingat ka sa iyong ikikilos."

Mataman namang sumunod ito kay Luis.

Malakas din ang Prinsesa at hindi ang katulad niya ang makakagapi dito. Kailangang dumiskarte siya. Hindi isang pangkaraniwang lobo ang Prinsesa. Kung ang Haring Ismael ang pinakamalakas sa kanilang lipi, ang Prinsesa naman ang pumapangalawa dito.

SelenaStrauss

Nagtungo siya sa kuwebang itinuro sa kanya ng Hari. Kumuha siya ng oleyo. Alam niyang kakailanganin niya ito upang ikubli ang kanyang amoy sa mga kalaban. Kung maililigtas din niya si Sylvia at ang sanggol nito, ito din ang maaari niyang gamitin para hindi sila matunton sa kanilang pagtataguan. Kailangan na niyang kumilos.

Tumakbo nang walang sing-bilis si Luis patungo sa tahanan ni Sylvia. Nakahanap siya ng pagkakataon nang tipunin ng mga kawal ang buong lipi. Gustuhin man niyang iligtas ang Hari ay hindi niya ito kakayaning gawin. Masyado nang maraming kakampi ang Prinsesa sa kanilang mga kalahi.

Uunahin muna niyang iligtas ang mag-ina. Kailangan maitakas niya ang sanggol ng Haring Ismael. Kailangang mailigtas niya ang susunod na tagapagmana ng trono. Ngunit huli na siya. Dinig niya sa may 'di kalayuan ang panaghoy ng isang inang nawalan ng anak. Si Sylvia. Marahil ay nakuha na nila ang anak ng Hari.

"LA LUNA CACCIATORE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon