Otso

141 7 6
                                    

"Sylvia," Isang mahinang tinig na tumatawag sa kanya. "Sylvia," Bahagya niyang napilig ang kanyang ulo. Binukas ang mga mata. Sa una ay halos wala siyang makita. Napakalabo ng kanyang paningin.

"Is-isamel? Ikaw nga ba 'yan?" Sa wakas ay nakpagsalita na siya.

"Oo Sylvia, ako nga."

Pinilit niyang tumayo sa kanyang pagkakahiga. Inalalayan naman siya ng lalaki. Pupungay-pungay na tinignan ang paligid. Nasa kanilang maliit na silid sila. Nakahiga pala siya sa kanilang papag.

"Tinanghali ka ng gising Mahal." Nakangiting sabi ni Ismael sa kanya.

Isang banayad na halik ang iginawad nito sa kanya. Napapikit pa si Sylvia sa halik na iyon. Napahawak siya sa batok ni Ismael. Tinugon ang mga halik nito.

"Nanay!" Isang maliit na tinig.

Nagpalinga-linga siya. Pilit na hinahanap ang maliit na tinig na iyon.

"Nanay!"

Ngayon ay nandoon na siya sa kanilang harapan. Isang maliit na Prinsesa. Nakangiti ang manipis at mapula nitong mga labi. Makinis at napakaputi ng balat nito. Mahaba ang maitim na buhok. Nagungusap ang luntian nitong mga mata.

"Lu-Luna?" Hindi na niya namalayang tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang lumapit sa bata. Pinagmasdan ang kabuuan nito.

"Ano ba'ng nangyayari sa iyo Mahal ko?" May pagtataka sa tinig ni Ismael na lumapit sa kanyang mag-ina.

"Na-nandito kayong dalawa... Nandito kayo sa piling ko." Di na niya napigilang yakapin ang kantang mag-ama.

"Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal!"

"At mahal na mahal ka din namin."

"Love you Nanay!" Humalik pa sa kanya si Luna.

"Love you too, anak!"

"Tama na 'yan. Halika na at nakahanda na ang almusal. Tinulungan ako nitong anak mo."

"Talaga ba, Luna?" Inabot pa niya ang kamay ng anak at magkakasabay silang lumakad.

"Opo Nanay! Sana magustuhan mo."

"Hindi ko pa man natitikman ang niluto ninyo ng Tatay mo, alam ko ng magugustuhan ko ito!"

Masayang naglakad pababa sa kusina ang mag-anak. Ilang beses ding sinulyapan muli ni Sylvia ang kanyang mag-ama. Nakangiti ang mga ito sa kanya.

Hindi din siya makapaniwala na magkakaharap sila ngayong sa hapag-kainan.

"Nagustuhan mo po 'Nay?"

"Ha?" Napasulyap siya kay Luna.

"Ang nanay parang natutulog pa! Ang sabi ko po nagustuhan mo po ba ang niluto naming itlog, tuyo at sinangag ng tatay?" Ngumiti pa ulit ito sa Ina.

"Oo naman, Anak! Nagustuhan ko! Salamat sa niluto mo."

"Sige na, kumain ka na ng kumain. Pagkatapos ay pakainin mo ang mga alaga nating manok ha."

"Opo 'Tay, ako na po ang bahala."

Kasalukuyang nagpapakain ng mga alagang manok si Luna. Kapansin-pansing hindi mapakali ni Sylvia.

"Sigurado ka bang ligtas si Luna na lumabas ng bahay?"

"Oo naman. Bakit mo naitanong?"

"Si Minerva... ang kapatid mo..."

"Ano ba'ng pinag-iisip mo Sylvia? Matagal nang patay si Minerva. Wala ka ng dapat pang ipag-alala."

"Patay? Matagal na?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"LA LUNA CACCIATORE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon