Siyete

125 9 0
                                    

"Mahal na Prinsesa Minerva," Lumuhod pa ang sundalong si Dominador.

"Nasaan na ang aking Mahal na kapatid?" May galit sa mga tingin ni Prinsesa Minerva.

"Pa-paumanhin po Mahal na Prinsesa. Hi-hindi na po namin siya naabutan. Napakabilis po talaga ng Mahal na Hari." Nanginginig na sabi ni Pablo.

Tumalikod ang Prinsesa, na para bang nag-iisip. Nangagalaiti ang mga ngipin nito sa galit. At walang ano-ano...

"Ahh!" At magkasabay na bumagsak sa sahid ang dalawang sundalo. Parehong putol ang kanilang mga ulo.

"Hanapin ninyo ang aking kapatid! Huwag kayong titigil hanggang hindi ninyo siya nakikita!" Galit na galit na sigaw nito sa mga sundalong nakapaligid sa kanya. "Selso, maiwan ka."

"Mahal na Prinsesa?" Lumuhod ito sa paanan ng Prinsesa.

"Tumayo ka. Nahanap na ba ang sanggol?"

"Hindi pa po Mahal na Prinsesa. Hindi ko din maintindihan pero biglang nawala ang amoy ng bata." Nakayuko pa din si Selso.

"Natitiyak kong may pinadala ang Hari para tulungan ang kanyang mag-ina. Alamin mo kung sino sa mga ka-alyansa ng aking kapatid ang nawawala."

"Masusunod po Prinsesa Minerva."

Isa lang ang naiisip ni Selso na napag-utusan ng Haring Ismael, si Luis. Agad niyang tinungo ang kubol ni Luis nang makalabas siya sa kubo ng Prinsesa.

"Nasaan si Luis?" Ang tanong ni Selso sa kapatid na lalaki.

"Bakit mo ako hinahanap, Selso?"

Napalingon siya, nakaupo at nagkakape si Luis. Nakaupo ito sa isang silya sa mesang kainan. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Bakit mo ako hinahanap Selso?"

"Saan ka nanggaling? Bakit wala ka kagabi nang nililitis ang Haring Ismael?"

"Kailangan kong mangaso ng kakainin ng aking mga kapatid. Isa pa, wala na akong pakialam kung ano ang gawin ninyo sa kanya. Mula nang nagmahal siya ng isang mortal, kinalimutan ko ng siya ang Hari ng ating lahi." May galit sa mga mukha ni Selso. Kailangan niyang magpanggap. At kailangan niyang pagbutihin ang pagpapanggap para hindi makahalata si Selso.

"Siya nga ba?" May pagdududa pa din si Selso sa sinasabi ni Luis.

"Wala akong magagawa kung hindi ka naniniwala." Tumalikod ito at kinuha ang isang bolo sa likod ng pinto ng kanilang kubol.

Sinundan siya ni Selso. Gusto niyang patunayan na ito nga ang napag-utusan ng Haring Ismael na tumulong sa mag-ina nito.

Tumambad sa kanyang harapan ang isang malaking buwaya na nahuli ni Luis na ngayon ay kanya nang kakatayin. Napangiti pa siya sa nakitang reaksyon nito. Nagulat man ay nawalan siya ng pagkakataon na patunayang ito nga ang tumutulong sa Hari.

"Padadalhan kita ng parte ng atay mamaya Selso." Nakangising sabi nito sa paalis na sundalo.

Waring nabunutan naman ng hininga si Luis nang waring nakumbinse niya si Selso. Minsan na nilang napag-usapan ng Haring Ismael na siya ang tiyak na uunahin ng Prinsesa Minerva at ni Selso na paghinalaan na kaalyansiya niya, kaya noon pa man ay napaghandaan na nila kung paano ang kanilang tamang gawin.

SelenaStrauss

***

"Sigura po ba kayong hindi kayo nasundan, Tata Homonoba?" Ang tanong niya sa isa sa natitirang matanda ng lipi.

"Matanda lang ako Luis, hindi ako inutil. At isa pa hindi ko mapapayagan na maghari si Prinsesa Minerva sa ating lahi."

"Salamat naman po kung ganoon."

"LA LUNA CACCIATORE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon