UL 5: Break Up

11 1 0
                                    

*gusto ko dati break up agad eh bakit ba HAHAHA*

It's been almost a month when Nathan and Aerie started dating. Alam ng buong school na sila lalo na't sikat pa naman si Nathan.

There are some na sinusuportahan sila pero meron pa ring ayaw kay Aerie, isa na doon ang mga ABC Juniors, yung leader ng fansclub ni Nathan.

Sa tuwing di nya kasama si Nathan, binubully siya ng mga ito. Pero kahit masasama ang ginagawa ng mga Juniors sa kanya ay di nya pa rin kayang sabihin ito kay Nathan.

Isa sa mga ugali ni Aerie ang di pagsabi pag nasasaktan na siya. Kahit nasasaktan na siya sa sinasabi ng iba, ayaw nya itong sabihin kahit sa mga kaibigan nya man lang, dahil gusto nyang sinasarili ang mga problema para di na madamay ang mga ito.

The bell rang which means it's their lunch break already.

Pinuntahan nya si Nathan sa room nila dahil lagi silang sabay kumain every lunch break.

Ngunit pagdating nya, nakasalubong nya si Serina na umiiyak. Nakita naman nyang papalapit si Nathan so she smiled at him, but he didn't smile back.

"Babe, may problema kasi si Serina, pwede bang samahan ko muna siya ngayon?" Nathan asked her.

Nag isip ng mabuti si Aerie. Kung magseselos na naman siya, baka mag away lang sila ni Nathan even though di pa naman sila nag aaway kahit isang beses. Ayaw na ayaw nyang magkaroon ng away o tampuhan sa pagitan nilang dalawa.

So she smiled at him and patted his shoulder.

"Go, babe."

"I'm sorry, baby. Gonna catch up with you later, okay? Sumama ka muna sa mga kaibigan mo, susunod ako."

Tumango lamang si Aerie at naiwan doon nang umalis agad si Nathan.

She then began to hear some murmurs.

"Nakakaawa siya girl, siya pa mismo pumupunta sa boyfriend nya."

"Oo nga, halatang halata na desperada! Hahaha."

"Tumpak girl!"

Napailing lamang siya at nakayukong pumunta sa canteen.

Iba't ibang bagay ang naiisip nya dahil sa narinig nya.

Mahal kaya talaga ako ni Nathan? Deserve ko ba siya? Ano bang nagustuhan nya sa'kin---


*boogsh*


"Look where you're going, miss."

"Sorry po."

Tumingin siya sa lalaki. He looks familiar.

Umalis lamang ang lalaking nakasimangot. Di na lang nya pinansin iyon at pumunta sa canteen.

She just bought some foods and started to eat alone. Hinihintay nya pa kasi ang mga kaibigan nya dahil pinatawag ito sa isang meeting sa gaganaping event.

Alam nyang maraming tumitingin sa kanya pero di nalang nya iyon pinansin hanggang sa may umupong tatlong babae sa harap nya.

"The ABC Juniors," she thought.

"Oh what a loner! Ang kapal kasi ng mukha mo! Masyado kang ahas! Ano bang ginamit mong gayuma kay Senior Nathan, ha? Pahingi nga!" ani Amy.

"Siguro nakipag break na sa'yo si Senior Nathan no? Kaya ka mag isa dito? Naubusan ka na ba ng gayuma?" sabat ni Bea.

"Baka wala talagang gayuma girls. Sadyang malandi at haliparot lang talaga 'tong babaeng 'to," dagdag ni Clarisse at nagtawanan silang tatlo.

Nakikita ni Aerie sa peripheral vision nya ang nagngingisihang mga estudyante.

Unstoppable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now