Pagod na pagod ang mga upperclassmen at iilang Juniors dahil sila ang unang lumaban sa first day ng festival.
At isa na don si Aerie.
Dali daling pumunta si Aerie sa room na nakaassign sa kanila at naabutan nya pang nag aayos ang mga kasama nila.
Sa mismong classroom kasi sila matutulog instead of going to a hotel dahil gusto naman nila ng new experience.
Nang makita nya si Sam ay pinuntahan nya ito upang tulungang ikabit yung extension wire.
"Ako na rito, Sam."
"Wag na, maliit ka eh. Andun pa naman sa taas yung saksakan."
"Sam, may upuan na tinatawag."
Natawa na lang si Sam sa sinabi ni Aerie at hinayaan na lang ito na siya ang gumawa nun.
Kinuha ni Aerie ang upuan at extension wire mula kay Sam. Tumayo siya sa upuan at pilit na inabot ang saksakan.
"Bakit ba kasi nila naisipang dito ilagay 'to?" sa isip nya.
"Hoy Aerie, akin na nga, sabi na eh, di mo pa rin abot oh!" dinig nyang sabi ni Sam.
"Kaya ko na 'to, kaunting abot lang eh. Tsaka wala naman akong ginagawa, okay?"
Di na muling nagsalita ang kaibigan ni Aerie kaya pinagpatuloy nya ang ginagawa. Buti na lang ay nagawa nya rin iyon ngunit aksidente nyang nahawakan ang saksakan kaya nakuryente ito.
Dahil sa gulat ay nawala ng balanse ang dalaga at hinintay nito ang kanyang pagkahulog sa sahig habang nakapikit.
Ilang minuto pa ang lumipas at di naramdaman ni Aerie ang sahig. Sa halip ay nakaramdam siya ng dalawang braso nakaalalay sa kanya.
Nathan was looking at Aerie while she's arguing with her best friend.
"Di talaga 'to nagpapatalo," in his mind.
He stopped for a moment to look at her intently.
Napansin nyang di yun maabot ni Aerie kaya tumayo muna siya para tulungan ito.
He's still a little far away from Aerie when he saw Aerie lost her balance. Buti na lang at tumakbo siya nang kaunti at nasalo ang dalaga.
"You really like this kind of situation, huh?" he teased her.
Aerie opened her eyes, hearing Nathan's voice.
"Asa! Lumayo ka nga sa'kin!"
"Ganyan na ba talaga magpasalamat sa taong tumulong sa'yo, huh? I wasn't informed."
Lumayo si Aerie mula kay Nathan and the war between them started again. They caught the other students' attention, buti na lang at umalis ang mga teacher nila dahil baka pagalitan pa sila nito.
"Sinabi ko bang kailangan ng tulong mo ha? May sinabi ba ako, ha?!" Aerie shouted.
"Ah, so gusto mo talagang mabali yang mga buto mo sa pagkahulog ganun?"
"Hindi syempre! Tsaka ang OA mo! Di naman ata ako mababalian dun no!"
"Di mababalian eh ang taas taas ng upuan na tinayuan mo!"
"Basta dapat di mo na lang ako tinulungan! Ayoko ng tulong na galing sa'yo okay?"
"So mas okay sayo pag ibang lalaki yung nakasalo sayo? Oo nga pala, okay nga lang pala sayo kahit makita ng ibang lalaki yung katawan mo diba?"
Aerie slapped him. Di nya aakalaing sasabihin iyon ng binata sa kanya.
"Fuck you!" sigaw nya kay Nathan at tumakbo papalayo habang umiiyak.
YOU ARE READING
Unstoppable Love (COMPLETED)
RomansaHe's the popular guy in school. She's just a typical student and she likes him. They met each other and started their own story. But, she's hesitating. She thinks that he's too perfect for him and she doesn't deserve him. But his love for her is gen...