Prologue

15 4 0
                                    

Prologue


"Okay ka lang ba?" Tinapik ng aking kaibigan ang aking balikat.


Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya.


"Kompleto ba ang mga Eighteen roses?." Sabi ng organizer sa mga lalaki. Halatang pagod na pagod at pinaghandaan talaga ng organizer ang araw na ito kasi halata ang kanyang eyebugs.


Ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako kasi mageeighteen na ang aking kababatang kaibigan na si Ellaine ngunit may kung ano sa akin na malungkot.


"Sure ka bang okay ka lang?" Tanong ni Caffey.


"Ikaw ha, kanina ka pa. Nakailang 'okay ka lang' ka na sa akin." Nagsmile lang ako sa kanya kahit halatang pilit.


"Eh kasi naman, nawala ata ang masiyahin na ikaw." Nag-alala ang kanyang mukha. Ngumiti ako para sabihing okay na okay lang ako.


Engrande. Iyan ang masasabi ko sa debut ng matalik kong kaibigan. Fairytale ang theme ng kanyang debut. Kahit saan ka lumingon ay mayroong mga bulaklak na peke at mga paro-paro na peke rin. Kami ay nakasuot ng fairy cocktail dress, ang sa akin ay grey. Nagtaka nga ang mga kaibigan ko kasi ako lang ang iba ang kulay ng dress. Pastel ang kanilang mga cocktail dress at suit, na siyang dapat kasi fairytale nga ang theme.


Ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula nang tumugtog ang banda. Grabe talaga kasi sikat na banda ang kanilang kinuha. Magpapapicture talaga ako mamaya.


Lumabas sa two-door na pintuan si Ellaine. Napajawdrop ang ilan dahil sa taglay na kagandahan niya ngayon. Sadyang maganda na talaga si Ellaine kahit wala siyang make-up at ngayon na may make-up siya ay mas lalo siyang gumanda. Nacoconscious na tuloy ako.


Naka pink gown siya na may mga maliliit na details na kumikinang dahil naiilawan ng spotlight. Off-shoulders ang kanyang gown kaya kita ang kanyang collarbones. Nakasmile siya habang naglalakad pababa. Namamangha ang ibang mga kalalakihan. Sino ba naman ang hindi? Sa ganda niyang iyan?


Pagkadating niya sa ibaba ay may isang magandang lalaki na naglahad ng kamay niya. Tinanggap naman ito ni Ellaine at mas lalong lumawak ang kanyang smile. Naghiyawan ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa kanyang paaralan. Tumawa naman siya dahil supportive ang kanyang mga kaibigan. Since nasa gilid lang ng mga kaibigan ko na kaibigan rin ni Ellaine ay napatingin siya sa gawi namin. Nagsalubong aming mga mata na siyang nagpapawi sa kanyang malawak na ngiti at napalitan ito ng pilit na ngiti. Hindi iyon fake ngunit pilit iyon.


Ngumiti naman ako sa kanya kahit parang nagaalangan siyang humawak sa braso ng lalaki. Tumingin lahat ng mga kaibigan ko na nasa table namin sa akin. Nagtataka ako kasi nakakunot ang kanilang mga noo. Binalewala ko nalang sila.


"Jasper, sa tingin mo okay lang iyang kaibigan natin?" Bulong ni Raisin kay Jasper na mga kaibigan ko. Anong point ng pagbubulong kung naririnig ko naman. Halatang halata na ako ang tinutukoy nila kasi kanina pa nila ako tinitingnan nung nasa table pa kami.


"Ewan ko ba diyan, mukhang nagpapakitang tao lang eh. Ayaw niya kasing makita natin siya na malungkot kasi hindi naman siya ganiyan noon diba?" Well I didn't find the 'pakitang tao' offensive naman. Tumango naman si Raisin na ngayon ay kumukuha ng pagkain galing sa catery ng party.


"Naawa na talaga ako sa kanya. Kahit masayahin pala ang tao ay may mga oras din na malungkot sila. Kaya nga kailangan nilang ngumiti para maitago ang kanilang lungkot kasi yun na ang nakasanayan ng taong nakapalibot sa kanila." Ang mga reaksyon nila ay para bang nakakawawa na ako. Ngumiti ako ng mapait kahit na palihim.


Escape From The PastWhere stories live. Discover now