Four

5 1 0
                                    

Chapter Four


"Nasa pool area po Ma'am." Saad ng katulong nila Caffey.


Andito pala kami sa bahay nila Caffey.
Nang makapasok ang buong pamilya namin sa pool area ay bumungad sa amin ang isang tent at may isang mahabang glass table sa gitna. Ang mga kubyertos ay gold. At nakapaligid dito ang series lights.


"Party pa ba 'to or meeting? Like seriously this formal, huh?" Pagrereklamo ni Dale kaso kinurot ni Mommy.


"What? I even wore a polo dress and a pair of shorts just to eat. Wala bang bar dito?" Reklamo na naman ni Dale.


"Your mouth kiddo. Wala tayo sa bahay, tandaan mo iyan." Pagbabanta ni Daddy ngunit umirap lang si Dale.


Nang makarating kami sa tent ay lumabas na rin sa bahay ang pamilya ni Caffey. Bumati kami sa isa't isa ngunit etong si Dale ay walang hiyang nagtanong kung may bar island sila. Tumawa naman ang pamilya Torres at sabay tango.


"You're kids are adorable." Sabi ni Mommy while looking at the two kids at front of her. Sila ang kambal nila Tita Matlida at Tito Maco. They must be so lucky for having a boy and girl twin.


"Yeah, saan pa ba nagmana." Tita Matilda answered at humagikhik pa. Now I know kung saan nagmana si Caffey. Pangalan lang ang  nakakapangilabot kay Tita Matilda kaso ganun rin kabaliktaran ng kanyang ugali. Super kalog, I mean.


"Well, akala ko ba party 'to? " Daddy asked while sipping coffee from his cup.


"What? Did Caffey told you that?" He glared at Caffey who is eating a chicken leg. Kahit kelan, matakaw pa rin. She felt the glare naman ni Tito kaya nagpeace sign siya at nagsmile pa.


"This is actually a so called meeting. Pwede namang pumunta muna sila sa bar island. Confidential kasi ang meeting na ito and it's only meant for us adults." Tita said once glancing at all of the kids around the table.


"Asan na 'yung isa mo pang dalagita?" Tanong ni Mommy kay Tita Matilda.


"Andun siya sa States, nag-aaral ng modeling." Sagot niya na para bang proud na proud siya na may sumusunod sa yapak niya. Tita Matilda is a model in a magazine before.


"Oh, punta na kayo sa loob ng bahay." Utos ni Daddy sa amin.


Sinunod naman namin ang gusto ni Daddy na privacy kaya pumunta kami sa bar island. Alam niyo ba kung sino ang unang nagsaya? Walang iba kundi si Dale. Wala pa nga siya sa legal age, alak na agad ang inaatupag.


Si Craigne? Andun sa mga pets nila Caffey. Naglalaro pa, hindi nalang kami magtataka mamaya kung hihikain na yan.


Si Kuya Chase? Andun sa sala nila Caffey , busy sa kanyang thesis daw. Paanong na thesis kung palaging natatawa kaharap ang laptop niya. Gago diba? Nagdala ng laptop going to another people's house.


Si Caffey? Naku! Naground two pa ang gaga! Hindi ko rin magets kung bakit ang ganda ng katawan niya after eating tons of calories everyday. Well, I need that tips of hers.


Ang kambal naman nila Tita at Tito ay pinatulog na nila kasi daw gabi na. Tama naman at gabi na rin kasi. Although I want to play with them.


"Zarry, pakiusapan nga yang bestfriend mo na maghinayhinay sa pagkain. Ako ang nahihirapan sa kanya." Sabi ni Kuya Chance glancing at Caffey.


"Yiee. Concern!" Tinusok-tusok ko siya sa kanyang tagiliran ngunit umirap lang siya.


"Besh, kain oh." Yaya ni Caffey sa kanyang pagkain na halos buto nalang ang natira.


Escape From The PastWhere stories live. Discover now