Chapter Eight
Omy G! Siya pala ang boyfie ni Ate higad! Kaya pala umiyak siya!
Haha. Marupok!
"Girl, anung ginagawa mo dun? Ba't ka nakahandusay?" Tanong Caffey.
Andito pala kami sa Starbucks. Nagkakape. Mulang.
"Natumba ako. Pumatong si Pierre." Oh diba alam ko na pangalan niya! Dahil kay Ate Higad.
"Pierre? Siya pala 'yun." Sumisimsim siya ng frappe niya.
"Kilala mo?" Lumaki mata niya at para bang hindi makapaniwala na hindi ko siya kilala.
"Varsity ng school 'yon. Halos hindi nga nag-aaral kasi nakafocus siya sa kanyang sports."
"Sports? Ano sports niya?" Tanong ko. Pwede bang macurious lang?
"Swimming ata eh." Wow! Swimming?! Hindi halata ah! Bakit maputi siya? Baka kojic.
"Girlfriend niya ba 'yung babae?" Tanong ko.
"Ikaw ah! Nahahalataan ko na masyado kang chismosa pagdating kay Pierre. Hindi ko nga nakilala si Pierre! Nahulog Icecream ko eh."
Ay! Oo nga pala! Nung tinulungan niya akong tumayo kaya natapon icecream. Nagtantrums pa siya kaya nilibre ko siya ng starbucks.
"Hello?" Sinagot niya ang tawag sa kanyang cellphone.
"Ah okey. Lakompake.... Tse... Kapal!" Napakunot ang noo ko dahil sa mga sinagot ni Caffey. Inend na rin niya ang kanyang call.
"Si Ate." Sabi niya.
"Ako ba kausap mo?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Nagtanong ba 'ko?" Pang-aasar ko sa kanya.
Badtrip na nga mas lalong babadtrip 'yan.
"Oh, bakit nakabusangot mukha mo? Dumating diba si Ate Nessa?" Tanong ko. Umismid siya.
"LOL. Pinaka ayaw ko dun eh. Apaka arte, pasalamat siya sikat siya. Baka sabunutan ko 'yun kung laos pa." Umirap pa siya tapos sumimsim sa kanyang inumin.
"Gaga ka pala eh. Ano na naman ba ginawa nun sa'yo?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang umirap naman.
"Tse! Siya na lang palagi bukam-bibig ng Mameh at Dadeh."
Ay oo nga pala, nakwento na niya sa akin kung bakit kinamumuhian niya ang kanyang Ate. Puro daw siya kalokohan kaya hindi siya masyadong napapansin ng kanyang magulang. Totoo naman kasi. Mabuti naman ata si Ate Nessa eh.
Hindi ko pa naman siya nakita pero sure akong mabait 'yun kahit maldita ang kanyang pangalan. Vanessa.
Nasa states pala siya nag-aaral ng modeling. Pinaaral talaga siya sa isang prestigious university sa states.
"Ses. Di ko talaga siya bet. Marinig ko lang pangalan pangalan niya kumukulo na dugo ko."
"Ah talaga?" Kunware gusto kong marinig.
-
"Kuya!" Sigaw ko kay kuya na ngayon ay naglalaro ng soccer.
Andito ako sa field para tawagin si Kuya. Inutusan ako ni Daddy na sabihan sa kanya na may iintroduce daw sa kanya si Daddy.
YOU ARE READING
Escape From The Past
General FictionZarissa, handa ka na bang maistress? Mga Shainanigans, handa na ba kayong masaktan sa past ni Zarissa? O handa na ba kayo sa bagong kabanata ng lovelife ni Zarissa? Alamin ang mga pinagdaanan ni Zarissa bago niya nakilala ang naging the One at paano...