Eleven

1 1 0
                                    

Chapter Eleven


Dumilat ako at nakita kong puti ang nasa paligid ko. A-asan na ako?


Am I in heaven? No. I don't want to go to heaven pa.


Ang naalala ko lang bago ako nahimatay ay hinahabol kami nung mga lalaking hinarass ako.


Tapos si Pierre. Nagtakbuhan kami tapos hiningal ako tapos hindi ako makahinga tapos nahimatay.


Hala! Patay na ako? No no way!!


"Hoi,"


"Omy god!" Napasapo ako sa aking puso.


"Ang arte," mataray na sagot ni Raisin.


"Nanggugulat ka eh." Masakit pa rin ang puso ko. Like literal na physical na sakit ah, hindi yung emotional.


"Raisin! Ngayon lang ulit kita nakita!" Yeah, ngayon ko lang ulit nakita si Raisin kasi palagi siyang busy sa kanyang mga plates 'kuno.


"Hinay hinay lang. Baka mapano na naman 'yang puso mo." Nag-aalala niyang sabi.


"A-ah eh, okay na naman ako eh." Sabi ko.


"Okay? Okay daw, nahimatay ka nga eh." Sabi pa niya sabay kagat sa apple na nasa gilid ng bed.


"Inatake lang naman ako ng hika ko."


"Alam mo ba na pinag-aalala mo ako?"


"Sorry na kasi," nagpeace sign ako. At nagpalinga-linga ako para hanapin sana si Pierre kasi siya naman ang last kong nakasama.


"Si Pierre hinahanap mo? Umuwi na." Sabi niya.


"Eh? Bakit nasabi mong si Pierre hinahanap ko pwede namang pamilya ko."


"Siya naman nagdala sa'yo dito eh."


"Ah talaga? Bakit kilala mo siya?" Tanong ko sa kanya.


"Classmate siya ng pinsan ko. Tsaka sikat iyan sa TV. Gold medalist kasi siya sa Olympics." Sabi niya pa.


"Talaga? Gold medalist? Ba't di ko siya kilala?" Tanong ko pa sa kanya.


"Di ka naman updated sa school na ito eh." Sabi niya at kinagat ang apple.


"Bigyan mo nga ako niyan." Turo ko sa apple na kinakain niya.


"Huwag! Binili ko 'to." Inilayo niya ang kanyang isang kilong apple.


Tignan mo 'to parang hindi tropa. Hindi namimigay. Apakadamot!


"Grabe ka naman! Ang damot mo!" I crossed my arms on my chest.


"Mayroon ka kasing prutas na para sa'yo lang. Basta huwag lang 'tong apple ko."


Tumayo siya at punta dun sa may sofa na nasa loob ng room. Wow! VIP room ata eto eh. Kasi may ref at may kinuha si Raisin na kung ano dun. Tsaka nung pagbukas niya ang daming mga pagkain.


Sure ba sila na hindi ito motel or what? Kasi may kusi pa at may banyo pa. Grabe naman 'to. Tapos may pagkaing pang isang buwanan ata.


"Oh eto." Hinagis niya sa akin ang isang plastic na nay cup sa loob.


"Wow!" Napawow ako dahil masarap talaga ang nasa loob. Sari-saring prutas na naislice tapos may whip cream pa. Ang social naman neto.


"Sa'n mo 'to binili?" Tanong ko kasi baka dun na ako bibili ng mga fresh healthy foods pagnakalabas na ako dito.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escape From The PastWhere stories live. Discover now