Chapter Seven
Last night was so tiring, ako ang nag-ayang magshopping kay Caffey pero siya ang nakinabang sa mga gamit dun.
Pano ba naman na kung ano ang gusto ay gusto niya rin? Kainis lang kaya hindi na ako namili.
Next time hindi ko na talaga isasama si Caffey sa mga gala ko. Tapos, yung Ice cream namin? Yung akin hiningi niya rin.
Ang resulta wala akong kain kagabi. Umuwi ako ng gutom at natulog akong gutom.
Nakatulog daw ako sa loob ng sasakyan pagkatapos naming hinatid si Caffey. Binuhat raw ako ni Daddy kaya nagkaback pain siya.
Kasalanan ko bang nakatulog ako at binuhat niya ako? Pwede namang si Kuya ah. Tapos ako pa ang may atraso at kailangan ko raw siyang alagaan.
"Zarry, kain ka na." Aya ni Mommy sa akin. Pababa na ako at nakita ako ni Mommy.
Syempre gutom ako ih, magaalmusal talaga ako. Umupo ako sa harapan ni Dale.
"My, may gig kami ng barkada ko." Sabi ni Dale.
Aba, ako lang naman ang kapatid ng Vocalist ng "Bandana". Jeje man pakinggan ngunit wala na akong magagawa diyan kasi si utol ko ang nag-isip niyan.
"Mabuti naman at ang makukuha mong pera ay baon mo na." Ani Daddy.
"What? Dy naman! Kulang lang iyong pera na iyon! Pangkain na namin 'yon pagkatapos ng gig." Parang batang inagawan ng candy ang reaksiyon ni Dale.
"Oh, bakit? Nagreklamo ba kami ng binilhan ka namin ng sasakyan?" Sabi ni Daddy na seryosong nakatingin sa binabasang newspaper.
"Ano Daddy? May sasakyan na iyang si Dale? Ang bata-bata pa niyan! Wala pa nga iyan sa kanyang legal age ihh." Pagrereklamo ko.
"Why do you care, Ate? Ikaw nga eh, ang mayroong sasakyan pero hindi naman marunong. Noob." Umirap ako.
Ako ba naman na sinabihan ng Noob ng nakababatang kapatid.
Natapos ang kainan naming pamilya at nagsimula na akong mag-ayos ng gamit.
-
"Caffey, ang tagal naman ng prof natin." Siniko ko si Caffey na nasa gilid ko at may kinakalikot na naman sa kanyang cellphone.
"Ewan ko." Luh. Iritado much?
"Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko.
"Edit." Ang ikli naman ng sagot.
"Wala ka namang viewers." Nagacting ako na nagmamaang-maangan at nang inangat ko ang ulo ko ay nakita kong masama ang tingin ni Caffey sa akin.
"Wala ba namang support diyan? Bestfriend mi 'to, Zarissa! Bestfriend! Ako to si Caffey na mahal na mahal ka!" Binatukan ko siya.
Baduy niya kaya! Nakikiuso sa uso. Wala naman akong problema dun pero anong nakakatawa dun?
"Okay, okay. 20 minutes na kaya class dismissed." Nagpalakpakan ang aming mga kaklase sa afternoon class dahil sa sinabi ng Class President namin.
-
"Zarry, subscribe mo na nga ano." Utos ni Caffey sa akin.
"Tapos na. Demanding mo naman."
YOU ARE READING
Escape From The Past
General FictionZarissa, handa ka na bang maistress? Mga Shainanigans, handa na ba kayong masaktan sa past ni Zarissa? O handa na ba kayo sa bagong kabanata ng lovelife ni Zarissa? Alamin ang mga pinagdaanan ni Zarissa bago niya nakilala ang naging the One at paano...