Chapter One
"Manang, hindi pa ba lumalabas si Zarissa." Ang lakas talaga ng boses ni Caffey pati ba naman sound proof room ko ay dinig na dinig ko pa rin ang kanyang boses.
Nakarinig ako ng ilang malalakas na katok. Alam ko na kung sino iyan. Si Caffey bungangera.
"Lumabas ka na diyan. May warrant of arrest kami rito." Baliw talaga ang babaeng iyun. Palibhasa mahilig sa mga detective movies.
Ilang araw na akong andito sa loob ng kwarto. Simula nung break up namin ni Brent ay nawalan ako ng gana para kumain. Mas gusto kong tumunganga sa kwarto kung saan kami nagpapalagi. Sa kahit anong sulok sa kwarto ko ay may mga alala sa mga nangyari sa amin ni Brent. Huwag green ah, hindi pa nawawala V-card ko.
"Buksan mo 'to or magwawala ako dito." Piste. Nagwawala na nga siya eh. Padabog akong tumayo galing sa higaan ko at padabog rin na binuksan ang pinto.
"Hi beshy." Inakap agad ako ni Caffey.
"Beshy, mo mukha mo!" Singhal ko sa kanya.
"O bakit bestfriend mo pa rin ba ang ahas na iyon?" Bumalik na naman ang alala ko nung debut ni Ellaine kung saan binigay ko sa kanya ang boyfriend ko na boyfriend na niya ngayon. Umiling nalang ako dahil sa naiisip ko.
Agad namang pumasok si Caffey at sumalampak sa higaan ko na kanina ko palang inayos.
"Ikaw mag-ayos niyan ah!" Sigaw ko kay Caffey na naglalaptop na.
"May mga yaya naman." Binatukan ko ang gaga.
Wala siyang ibang ginawa kungdi kumain ng kumain habang nanonuod ng Netflix sa laptop ko. Mukhang mas stress si Caffey kaysa sa akin kasi ang dami ng icecream ang dinala niya. Dapat daw kasi akong kumain ng kumain kasi broken hearted ako at iyon yung napanuod niya sa mga movies.
Maya-maya ay may kumatok. Bumukas ang pinto at lumuwa doon ang napaka gwapo kong kuya, si Kuya Chance. Syempre nasa dugo na namin iyan.
"Zarissa! Ang ingay ng kaibigan mo." Hindi man lang nakatingin kay Caffey.
"Pagbigyan mo na Kuya Chance ngayon lang ata nakadaldal kasi nakakulong ako rito ng ilang araw."
"Sige, okay ka na ba?" Tumango nalang ako kay Kuya.
"Sure ka ha?" Tumango ulit ako.
"Basta andito lang kami ah." Tumango na naman ako.
"Sure ka?" Tumango ulit ako.
"Kuya naman eh. Ilang tango ba ang kailangan mo upang tumigil ka na sa pagtanong."
"Syempre, to make sure that 'lil sissy won't end up suicide." Hinampas ko siya.
"Hey, I will never do that. God gave me this life so I should treasure it. Why would I even end my life just because of a boy? You idiot!" Singhal ko sa kanya.
"Hehe.. I'm just lighting up your mood." I pushed him until he went out of the door and I closed the door immediately.
Pagkatapos nun ay kumain na rin ako ng Icecream. Grabe si Caffey, wala pa nga ako sa kalahati ng cup ko ay nakadalawa na siya. Siya ang nagpakasaya sa kanyang sariling bili na dapat sa akin.
Sabi ni Caffey na magoovernight daw siya dito ngayon. Pumayag naman ako kasi baka magsumbong kila Mommy at ako ang kanilang pagalitan.
These past few days, I refrain myself from crying because I can't have my love back when I cry. All I need to do is to stop crying and face what is in the present. I was having a hard time to move on but they said it takes time to move on especially you thought that you would end up together.
YOU ARE READING
Escape From The Past
General FictionZarissa, handa ka na bang maistress? Mga Shainanigans, handa na ba kayong masaktan sa past ni Zarissa? O handa na ba kayo sa bagong kabanata ng lovelife ni Zarissa? Alamin ang mga pinagdaanan ni Zarissa bago niya nakilala ang naging the One at paano...