Maxima's POV
Maaga akong nagising dahil sa kambal na nag tatakbuhan na dito sa loob ng bahay. Bumangon na ako at inayos ang pinaghigaan ko.
"Si mama?" Tanong ko sa dalawang bata. Tumigil saglit sa pag hahabulan ang kambal at tumingin sa akin.
"Umalis ate, punta kapitbahay." Sagot ni Jozen. Si Jaren naman ay tumango tango, sang ayon sa sinabi ni Jozen. Tumango lang din ako at hinayaan na sila mag laro.
Nag hilamos ako at nag timpla ng kape pampainit ng kalamnan dahil umuulan na naman. Umupo ako sa semento malapit sa pinto, habang umiinon ng kape. Sakto namang natanawan ko si mama, pabalik na. Nag lalakad sa pathway, at may kasamang lalaki.
"Oh anak, wala ka bang lakad ngayon?" Tanong ni mama nang makalapit sa akin bitbit ang mga ipapaorder niyang mga sabon, bra, pampaganda at kung ano ano pa.
"Mamaya ma, aalis ako ha. Kasama ko sina Rose." Paalam ko kay mama, tinulungan ko siyang ipasok sa loob ang mga bitbit niya.
"Sige anak, basta nak ha. Kailangan mo na mag karoon ng trabaho para maienroll na natin ang kambal, sa school diyan sa may tulay." Ang tinutukoy ni mama ay yung private school na malapit dito saamin. Gusto ni mama papasukin ang kambal don, kahit gipit kami.
"Sa isang araw ulit ma, di ako uuwi hangga't di ako natatanggap sa trabaho." Pursigido kong sagot sa kanya. Ngumiti naman ito at pinaghiwahiwalay ang bagong deliver na mga ibebenta niya.
"Mabuti na lang umorder si Mareng Idad ng bra kahapon, at kanina ko naideliver. Nag bayad na din ng utang kaya heto, pang gastos mo." Inabutan ako ni mama ng 2000 pesos. Ayoko sanang tanggapin, pero mapilit si mama kaya isinipit ko na lang sa may garter ng shorts ko.
Nag luto si mama ng pagkain namin, ako naman ay tinuruan ko saglit ang kambal ng colors and shapes. Pagkatapos niyon ay pinaliguan at pinakain ko na.
"Ate, patok kami Jaren istul ha." (ate pasok kami Jaren school ha) Natatawa ako sa pag sasalita ni Jozen na hindi pa din maituwid ang pag sasalita.
"Dun ate magandang school tulay school." Singit naman ni Jaren na medyo tuwid na mag salita. 3 years old na sila, kaya ieenroll na sila ni mama kahit dumedede pa sila sa tsupon pero hindi na nag didiaper.
"Sige pero mag sleep muna kayo para maging big na kayo at makapasok na kayo sa school." Pambobola ko sakanila at pinahiga na sila sa kwarto nila ni mama.
Tumawa naman silang dalawa at tuwang tuwang nag katinginan sabay balik ng tingin ulit saakin at tuwang tuwang ngumiti. Napangiti naman ako at kinalog na ang bote na nag lalaman ng gatas nilang dalawa. Iniabot ko iyon sa kanila at natahimik sila dahil gumagatas na sila.
"Aalis si ate mamaya ha, bantayan niyo si mama at ang bahay natin. Wag kayong lalabas ng bahay. Behave ha para may pasalubong kayo kay ate." Dugtong ko pa. Tumango tango naman sila. Masunurin sila at madaling mapag sabihan.
Inintay ko lang silang makatulog at pumunta ako sa kwarto para hugutin na ang nakacharge kong phone. May text na pala si Rose.
From: Rose
1pm call time at my house.
From: Rose
Hindi pala, 3pm pala, I'll pick u up sa 7/11 ggh. Don't be late. xoxo
12:30 pa lang naman, kaya iidlip muna ako saglit. Nag alarm ako para sure na magigising ako ng mas maaga.
Nasa byahe na ako papunta sa pambansang tagpuan ng mga estudyante, gagawa ng group projects, mag jowa o kahit pa kabet. 7/11. Tatlong sakay pa ako bago makarating sa 7/11 dahil medyo malayo kasi ang amin, boundary sya ng city at province.
YOU ARE READING
Inevitable Love
General FictionMaxima, the bread winner of her family never expected to fit on the shoe of her mother. Who would have imagine that the past experiences by her mom will be repeated by her.