Napatigil si Denden sa pag hahanap ng susi at tumingin kay Ghio.
Lumipat ang tingin niya sa akin, at ngumiti ng nakakaloko.
"Are you guys dating?" Kunot noong tanong ni Denden, parang may puzzle sa utak niya na binubuo.
"Hindi."
"No."
Sabay naming sagot ni Ghio. Natawa si Denden sa sagot namin at nag paalam na lang na uuwi na siya. Ganon din naman kami, mag katabi pala ang pinagparkingan nila. Bago ako makasakay, kitang kita ko sa mata ni Denden na parang sinasabi na 'will talk to you later'.
"Madami ka bang naging boyfriend?" Tanong ni Ghio while driving. Sinabi ko lang ang address ko, alam pala niya yung daan papunta sa amin dahil may lote siya na balak bilhin doon.
"Huh? Bakit mo natanong? NBSB pa ako." Sagot ko, hawak hawak ang phone ko kunwari at busyng mag scroll sa facebook.
"Ah, that's why." Parang may nabuo naman siyang puzzle sa utak niya dahil sa reaction at sagot niya.
"Anong that's why that's why ka diyan?" Taas kilay kong tanong, na lalo pang napataas dahil nakikipag video chat si denden.
"That's why they're always acting that way." Tugon ni Ghio, napalingon ako sa kanya na busy sa pag dadrive para makita ang reaction niya.
"Bagong bago sa kanila na malaman na may kasama kang gwapo." Dugtong pa niya, hindi ko sinagot ang tawag ni Denden at inoff na ang mobile data para di ako kulitin.
"Ang lamig, ang lakas ng hangin. Malakas pa sa aircon." Sarkastikong sagot ko sa kalokohan niya. Tumawa lang ito at nag patuloy mag drive.
*phone's ringing*
"Pasok ka sa loob." Alok ko sa kanya. Tinaas niya isang daliri niya nang makita kung sino yung caller niya. Nauna naman na akong pumasok para bigyan siya ng privacy.
"Ateeeee!!" Masayang bati ng kambal at yumakap sa mga binti ko.
"Si mama?" Tanong ko, ewan ko din ha kung ganyan kayo pag uwi na unang unang hahanapin ay mga nanay niyo, mommy, mom, mama, mami, inay, basta ako? Si mama talaga ang unang hanap ng mga mata ko.
"Punta mare niya, sabi mama bigay daw order." Sabi ni Jozen at may itinuturo sa labas na sinasabi na lumabas si mama.
"Kumain na ba kayo? May niluto ba si mama?" Tanong ko habang inilalapag sa mesa ang pinamili namin ni Ghio kanina sa grocery store.
"Utom na kami ate."
"Ate eat tayo, gutom na kami."
Sagot nilang dalwa. Napasapo naman ako sa noo dahil hindi pa naaasikaso ni mama ang kambal. Pinaupo ko sila at sinabihang wag nang mag lilikot dahil mag luluto ako.
"Ummm, Maxima." Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses, si Ghio pala na nasa labas pa din ng bahay. Sabay din napalingon ang kambal kay Ghio.
"Ate fwend mo?"
"Hindi fwend ni ate yan, wala fwend si ate na boy."
"Halika, pasok ka. Wag kang mag alala, mababait ang mga batang yan." Nag hand gestures pa ako para alukin siya papasok, ngumiti lang siya at umiling.
"I can't eat dinner here, I have an urgent call kasi. Maybe next time? Sorry Maxi--" Hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin pa niya dahil parang ayaw niya pa talagang umalis pero kailangan.
"Okay lang, Ghio. Oo next time na lang. By the way, salamat sa pahapunan mong pang ulam sa uulitin ha? Hahahahahaha." I tried to joke. Ngumiti siya as a sign of relief.
YOU ARE READING
Inevitable Love
قصص عامةMaxima, the bread winner of her family never expected to fit on the shoe of her mother. Who would have imagine that the past experiences by her mom will be repeated by her.