Chapter 1

7 4 0
                                    

Maxima's POV

Ang lakas ng ulan!!! Paano ba ako makakauwi niyan, lumalamig na yung gotong binili ko sa Al Goto King, at lahat ng jeep ngayon ay punuan dahil nga sa malakas na ulan.

Heto pa rin ako, nakasilong sa maliit na bakery na mukhang mag sasara na ata. Napatingin ako sa wrist watch ko, 5:30pm pa lang pero parang 6 o 7pm na ng gabi dahil sa madilim na kalangitan. Sumasabay pa talaga ang panahon ngayon sa lungkot na nararamdaman ko.

Sa tingin ko ay may isang oras na din akong nag aabang ng jeep na kasya kahit kalahati lang ng pwet ko ang nakaupo.

*phone's ringing*

Kinapa ko sa bulsa ng slacks ko ang cellphone ko at dahan dahan hinugot iyon mula sa bulsa ko.

MAMA is calling...

Inislide ko ang icon para masagot ang tawag.

"Hello ma?... Eto po nag aabang pa ng jeep pauwi..... Po? Opo nakabili po ako ng pang ulam.... Nakalimutan ko nga ma eh... Sige ma." Pagkatapos ng maikling pag uusap, sa wakas ay may tumigil sa harapan ko na jeep na walang kalaman laman na pasahero at dito sa kanto mag pupuno ng pasahero.

Good thing ay nakasakay agad ako at umupo ako sa pinakakumportableng upuan, sa PWD's seat. Syempre kung may makakasabay man ako, uusog ako. Pero sa ngayon, ako muna dito.

Ilang minuto lang din naman ang lumipas at napuno din agad kaya mabilis din nakaalis itong jeep na sinasakyan ko ngayon. Sobrang lakas ng hangin at ulan kaya dahan dahan lang ang andar ng jeep, lalo na at delikado sa may kurba.

"Makikisuyo po ng bayad." Inabot naman nung estudyante ang bayad ko at inabot kay manong.

Inayos ko ang bag ko dahil natatamaan ng ampiyas at inilagay sa bag ang resume na basang basa na at kinuha ang phone ko para mag facebook saglit.

Wala namang bago, mga kaibigan ko ngayon ay gumigimik na. Yung iba naman proud na may anak na, ang iba naman fb friends ko ay babagong 'In a relationship status' pa.

Eh ako ba? Ano bang status ko?



"Max, tara na suno ka na saakin. Diretso uwi na din ako pagkahatid ko dito." Nakangiting alok ni Jayson na kaibigan kong tricycle driver.

"Naku sige salamat ha. Taga saan ba yan ihahatid mo?" Pag kaupo ko sa back ride ng tricycle ay pinaandar na niya ito. Pag baba kasi ng jeep ay mag tatricycle pa ako dito sa kanto para makauwi. Hindi pwedeng lakarin kase malayo ang papasok sa pookan namin.

"Ahh diyan lang sa ilaya, sa may tangke ng tubig. Buti naman sinamahan mo ako, nakakatakot pa naman sa daan papunta dun." Lumilingon lingon pa siya ng konti habang nag sasalita.

"Ganun ba, nako buti na nga lang. Baka di ka makauwi at hanapin ka pa ng nanay mo. Hahaha." Pabirong sagot ko. Tumawa naman ito.

"Waley Maxima." Tugon nito. Mabait yang si Jayson, may kapansanan siya, hindi ko alam ang tawag pero in-born na daw yung kamay niya na may dalawang daliri lang tapos buto na agad, maliit ang braso niya sa kaliwa at yung sa kanan ay normal. Pero hindi hadlang yun sa kanya dahil nakatapos siya sa kolehiyo, pero mas piniling mag drive ng tricycle dahil wala pa naman daw siyang pamilyang binubuhay. At maganda pa naman daw ang trabaho ng mama niya.

"Oy Jayson, bawal ang libre libre ha." Kinulbit ko siya na busyng busy sa pag mamaniobra sa pag dadrive dahil nga may kapansanan siya. Pero wag niyo iismolin yan! Magaling mag drive at basketball yan!

"Ano bang sabi ko kanina Maxima, diba susuno, edi malamang libre na. Sus. Parehas naman tayo ng sitio eh." Sabi niya habang inaabot ang bayad ng pasahero niya.

Inevitable LoveWhere stories live. Discover now