Maxima's POV
Isang linggo na din ang nakalipas mula nung despedida party ni Kim at exclusive party niya para sa amin.
Natuloy ako sa pag hatid sa girls sa kanya kanyang bahay, lastly ay kay Rose at nag byahe nga ako pauwi nun. Kinabukasan nga niyon eh nag sorry silang lahat sa akin dahil sa mga kagagahan nila nung gabi. Tapos si Rustom, nangungumusta sa akin tungkol kay Rose. Ewan ko ba sa dalawang yan, mahal pa naman ang isa't isa pero ayaw ayusin ang relasyon amp. Nakalipas na ang isang linggo, nangungulit pa din sa akin si Rustom para kay Rose. Di ba pwedeng irekta na lang hays.
Nandito ako ngayon sa lobby ng Monteleza Real Estate Company, gaya nung napag usapan namin ni Kim at Ghio, mag aapply na ako ngayon dito sa company na ito.
"Miss Argente." Tawag sa akin ng magandang babaeng nasa front desk. Lumapit ako doon.
"Maaari na daw po kayong tumaas. 15th floor, unang pinto sa right side." Paliwanag niya. Tumango naman ako at nag thank you.
Nag tungo na ako sa elevator. Buti na lang kakaunti kami dito sa loob ng elevator, para hindi ako masyadong maghila ng maghila pababa sa suot kong plain old rose pencil skirt na naging obvious ang hubog ng balakang ko, tinernohan ng plain baby pink sleeveless top at white blazer. Tumangkad naman ako dahil sa nude heels.
Dahil ako ito, si Maxima Anaya Argente na hindi naman ganitong kikay manamit, pinahiram pa ako ni Kim ng susuotin para sa pag aapply dito.
"Wait upppp!!!" Sigaw ng isang lalaki na nag mamadaling iniharang ang kamay para hindi mag sara ang pinto ng elevator.
Napunta naman ako sa pinakalikod dahil nag umpisang mag sisikan ang mga kasabay ko dito dahil dun sa lalaking pumasok din.
"Goodmorning po Mr. Escarez."
"Goodmorning future cap!"
"Goodmorning sir. Napapadalas po ata kayo dito."
Bati ng girls na nag sisiksikan ngayon sa gilid. Sino ba yung binabati nila? Boss ba dito?
"Goodmorning ladies." May halong kalandian naman ang pag bati nito pabalik kahit di siya nakaharap sa gawi ko. Ummm paano ko ba nasabi? Basta, feel ko eh.
Bumaba na sa 12th floor yung mga kasabay namin kaya naiwan kaming dalawa dito sa elevator. Napansin kong parehas pala kami ng floor na patutunguhan dahil tanging 15 na lang ang umiilaw na button. Hindi naman siguro ito empleyado dito dahil naka long sleeves checkered button down polo at maong pants.
Tahimik naman kaming lumabas, nauuna siya saakin at gustuhin ko man tignan kung sino siya ay mabilis siyang nag lalakad kaya di ko maabutan. At napansin ko din na parehas kami ng pupuntahan na office. Nauna nga lang siyang pumasok sa office na dapat ay papasukin ko din.
"Ah, you're Miss Maxima Argente?" Habol na tanong nung babaeng nasa front desk dito sa 15th floor.
"Yes po." Sagot ko naman. Ang gaganda talaga ng mga tao dito. Napaka accommodating pa.
"Ah right, this way ma'am." Sinamahan ako ni Miss Front Desk papunta sa pinasukan nung lalake. Pag pasok namin sa office ay may waiting area pa at may isa pa ulit glass door na pinaka office na siguro.
May sinabi pa si Miss Front Desk tapos umalis na din. Inayos ko ang buhok ko, yung kaninang nakalugay ay pinuyod ko na mababang bun lang para casual look lang. May lumabas namang magandang babae ulit para tawagin ako.
Pag pasok ko sa loob ay nakita kong nakaupo sa mini sala ng office ang pamilyar na taong kakakilala ko pa lang last week.
"Hi?" Natatawang sambit nito dahil sa reaction ko nung makita siya.
YOU ARE READING
Inevitable Love
Fiksi UmumMaxima, the bread winner of her family never expected to fit on the shoe of her mother. Who would have imagine that the past experiences by her mom will be repeated by her.