Chapter 4

3 1 0
                                        

Maxima's POV

Pagkatapos namin kumain ay balak pa sana niyang mag pasama daw gumala sa mall kaso may dumating na babae. Kaya ayun, tinangay na siya.

Ako naman ay nag byahe na pauwi para ibalita kay mama ang magandang nangyare sa akin ngayong araw. Hapon na din naman eh, at kailangan ko mag pahinga para may energy na ako makapag start bukas sa trabaho.

As usual, 3 sakay/byahe na naman ako bago makauwi. Isang oras ang byahe bago makauwi. Medyo naiilang nga akong sumakay sa jeep dahil sa suot ko na pinagtitinginan ng mga kalalakihan amp.

Pagkatapos ng isang oras na byahe, sa wakas ay nakauwi din ako.

"Ateeeee, ano ubong mo samin ni Jaren?" Tanong ni Jozen at niyakap ako sa binti ko. Sumunod naman si Jaren sa kanya at niyakap din ako.

"Ah, nako walang pasalubong si ate eh. Bawi si ate bukas ha." Pinat ko ang ulo nilang dalawa at saka hinalikan sila sa noo.

"Talaga ate ha." Paninigurado naman ni Jaren. Tumango naman ako at kinurot ang pinsge nila.

"Si mama?" Tanong ko sa dalawang bata. Tinuro naman nila na nandun daw sa bakuran.

Nag tungo ako sa kinaroroonan ni mama, busy si mama sa pag lalaba. Siguro, oras na para tumigil sa pag tanggap ng labada si mama para pag aasikaso na lang sa kambal ang aatupagin niya at hindi siya mapagod ng sobra. Masama yun para sa kanya.

"Ma, nakauwi na po ako." Sambit ko habang si mama ay nakatalikod sa akin at nag kukusot ng mga damit.

Napalingon si mama at tumayo. Nag hugas ng kamay para salubungin ako ng yakap.

"Anak, kamusta ang araw mo?" Casual na tanong ni mama, nakikiramdam kung may maganda bang nangyare sa araw ko. O hindi na naman ako natanggap sa trabaho.

"Ma, bukas na bukas wala na kayong tatanggaping labada ha?" Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ni mama na nakahara sa mukha niya.

"Ano ka ba anak, sayang kung hindi ako tatanggap ng mga labada noh, pang gastos gastos at bili din diyan sa tindahan ni mareng Emily." Hindi pa naman katandaan si mama, 41 pa lang naman si mama pero mukhang dalaga pa. Ayoko lang na lumala pa ang sakit niya.

"Ako na mama ang mag babayad ng mga bayarin. Sa unang sahod ko sa trabaho, ipaprioritize kong bayaran iyon." Nakangiti kong kwento kay mama ang mga plano ko. Gulat na gulat si mama sa sinabi ko at napayakap pa sa akin.

"Congrats anak!" Tuwang tuwa si mama sa magandang balita ko, dahil sa wakas may trabaho na ulit ako. Hindi kasi ako tumagal sa iba kong pinasukang kumpanya. Ah, basta mahabang istorya kahit paikliin hindi kaya.

"Basta mama ha, ayokong maabutan ko kayong nag lalaba o tumanggap na naman ng labada. Masama sayo na mapagod ng sobra." Kailangan kumbinsihin ko si mama kasi may pagkamatigas din ang ulo nito eh.

"Hindi ko maiiwasan anak." Ayun lang ang naisagot ni mama at bumalik na ulit sa ginagawa niya. Nag bihis na ako para malabhan at maibalik kay Kim ang pinahiram niya sa akin.

Next week na daw ang alis niya kaya sa friday ng gabi ay may girl's night out na naman kami. Hindi ko nga lang sigurado kung makakasama ako.

"Ate, call may call ate." Inabot ko kay Jaren yung phone ko na nag vavibrate pala.

Pretty Yvette is calling...

Ang mga GGSS ko nga palang kaibigan ang nag lagay ng name nila sa contacts ko dito sa phone ko.

"Oh napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya.

[On our way to your house, we brought foods, beer and pizza.]

Inevitable LoveWhere stories live. Discover now