Maxima's POV
5:30am pa lang ay nagising na ako dahil sa sakit ng ulo. Bwisit na Denden na yan, bumili pa ng kwatro kantos sa kumare ni mama, knowing na may mga trabaho pa kami kinabukasan. Nauna pa ang beer na pang hugas kesa sa hard drinks. Amp.
Pag labas ko sa kwarto ay naabutan ko si mama sa salas, nanunuod ng tv at nag kakape.
"Goodmorning ma, ang aga mo ngayon mama ah." Puna ko kay mama. Kadalasan kasi ay ang kambal pa ang mang gigising sa kanya.
"Ipinaghanda kita ng almusal anak." Nakangiting sagot ni mama malayo sa sinabi ko. Nginitian ko na lang din siya at kumain na.
"Nak, ano nga palang pangalan ng kumpanyang pag tatrabahuhan mo?" Tanong ni mama. Bigla namang umiyak ang kambal, nanghihingi ng gatas. Kaya di ko na nasagot si mama dahil naging busy na sa kambal.
Naligo na din ako at nag bihis kahit maaga pa, 8am pa naman ang pasok ko. Maaga lang talaga ako nagising dahil sa hangover. Hindi ko maimagine na kinaya ni Rose mag drive pauwi kagabi, ayoko na nga sana pauwiin muna kaso mapilit sila eh.
"Anak, payong wag mong kakalimutan mag dala." Inabot ni mama saakin yung payong, inilagay ko naman sa bag ko na amp galing kay Kim. Sponsored by Kimberly Cernechez ang suot ko ngayon at bag ko.
"Salamat ma, madami pa ba yung gamot mo?" May maintenance kasi ng gamot si mama. Medyo mabigat sa bulsa.
"Ah, ano anak.. Aabot pa naman ito sa kabilang ah linggo." Di makatingin na sagot ni mama. Kinuha ko yung mga gamot niya at pinicturan para di ko makalimutan ang mga pangalan ng gamot niya.
"Ma, ako na ang bahala." Hinawakan ko ang kamay ni mama para mapanatag at wala na siyang masyadong isipin tungkol sa gamot niya. Nag paalam na din ako para maaga sa unang araw ko sa trabaho.
"Early bird." Sambit ni Ghio. Kasabay ko na naman siya dito sa loob ng elevator.
"Dito ka ba nag tatrabaho?" Curious ko siyang tinignan, nagulat naman akong nakipagtitigan din siya kaya umiwas ako.
"Hindi." Binaling naman ni Ghio ang tingin niya sa pinto ng elevator at natawa.
"Eh bakit nandito ka na naman?" Tanong ko ulit, kung hindi naman pala siya nag tatrabaho dito, anong ipinupunta niya dito?
"You guess." Tumingin siya sa akin at nag wink na naman. Inirapan ko lang siya bilang sagot. Sinasabi ko na nga bang wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya.
Parehas ulit kami ng floor na binabaan, sinabihan ako ni Ms. Front Desk na secretary pala ni Mr. Monteleza, mag hintay hintay lang daw dahil parating na din naman daw si Mr. Monteleza. Personal daw kasi akong ioorient ni Mr. Monteleza kasama yung si Architect Madrigal.
"Goodmorning Alisa!" Masayang bati ni Ghio kay ateng secretary, namula naman ang pisnge nung girl tapos ngumiti kay Ghio.
Tumabi saakin si Ghio sa sofa sa labas ng office ni Mr. Monteleza. At bumulong.
"Ganyan kalakas ang karisma ng isang Ghio Louel Escarez." Bulong nito at tumawa sa sarili niyang kalokohan.
Napatayo naman ako nang dumating na si Mr. Monteleza, may kasamang matangkad na lalaki, siguro kasing edad ni Ghio. Well-built ang katawan, mukhang walang mintis sa pag gygym. Moreno, matangos ang ilong. Brown dyed hair, ummm basta gwapo siya sa mga mata ko.
Siniko naman ako ni Ghio para mapabalik sa wisyo, masyado kasi akong nastar struck sa nasa harapan ko ngayon.
"Goodmorning Sir." Bati ko at nag bow ng konti. Bumati din naman ito pabalik at ngumiti sa akin yung gwapong kasama ni Mr. Monteleza. Umupo muna ulit ako nung lumapit si Ghio kay Mr. Monteleza at may pinag usapan sila. Lumapit naman sa akin yung lalaking kasama ni Mr. Monteleza.
YOU ARE READING
Inevitable Love
General FictionMaxima, the bread winner of her family never expected to fit on the shoe of her mother. Who would have imagine that the past experiences by her mom will be repeated by her.