Chapter 2

20.7K 370 17
                                    

Chapter 2: Awit

Dumaan ang ilang araw ng paghihintay kay Papa ngunit hindi siya bumisita. Hindi maiiwasan na bumibigat ang aking puso dahil sa pang ilang pagkakataon, nabigo na naman ako. Minsa'y nawawalan ako ng gana ngunit tumutugtog ako ng gitara para maaliw ang sarili.

"Divinia, alis muna ako." sigaw ni Mamang galing sa labas.

"Sige po, ingat kayo," sigaw ko pabalik habang inaayos ang string ng aking gitara.

Pagkatapos, nag ayos muna ako ng mga gamit at nagwawalis sa loob ng bahay. Umalis si Mamang patungo sa bayan upang ipagbenta ang mga ginawang katutubong alahas sa bagsakan. Inayos ko ang aking picture frame noong junior high school na nakasabit sa dingding at mga medalya bago ang malaking family picture namin.

Ngumiti ako ng malapad habang binabalingan ang ina at ama sa litrato. Aaminin ko na miss ko ng sobra si Mama, kung pwede lang liparin ang America, ginawa ko na iyon.

Ang hirap kasi kapag mahirap, kailangang kumakayod para sa pamilya kahit ang kapalit nito ay hindi mo sila palaging makakasama.

Humugot ako ng malalim na hininga at bumaba na ng silyang pinatungan. Panghuling inayos ko ang dibayder ng nilalagyan ng mga porselanang baso, gusi, at plato bago nagpahinga sa labas ng bahay dala ang gitara.

Umaambon ulit ang kalawakan at unti unting pumapatak ang ulan. Mahinang ginalaw ko ang string ng gitara habang nakikinig sa himig ng ulan. Minsan nakakagaan ng loob ang presensya ng ulan. Ikaw lamang mag isa, tumutugtog habang umuulan at malamig ang simoy ng hangin sa balat.

Biglang lumakas ang ulan at lumabo ang aking pananaw sa paligid. Marahas ang pagpatak ng ulan na sinasamahan ng konting hangin. Hindi ko maririnig ang tunog ng gitara dahil sa malakas na pagpatak ng ulan sa bubong.

Binaba ko ang gitara sa tabi at ngumiti nang nahagilap ng tingin ang mga batang naliligo ng ulan, naglalaro pa na nakapaa lamang. Bumaba ako ng tuluyan at unti unting binasa ng ulan.

"Ate Divine! Naroon sila Ate Corina sa kalsada!" masayang batid ni Panda.

Nakangiting lumapit ako sa kanila at sumabay patungo sa kalsada. Palagi kaming naliligo ng ulan at nagkasiyahan habang basa. Siguro ito ang isa sa mga masayang pangyayari tuwing umuulan. Maglalaro kami sa kalsada ngunit kapag may dalugdog na susundan naman ng kidlat ay magtatakbuban naman pauwi dahil takot. Naghahabulan at nagpaunahan ang mga bata na makarating sa kalsada at naiwan akong kasunod lamang.

Basang basa ako nang nakarating sa sementadong daan. Naroon sila Corina at Louie kasama ang ilang kaibigan at kaklase namin. Nakapaa ang iba habang sumasayaw sa buhos ng ulan.

"Divine!" sigaw ni Corina at kumaway papalapit sa akin.

Sinipa ni Sean ang tubig patungo sa mukha ni Louie at nagtatawanan ang mga bata. Humalakhak ako dahil sinuklian ito ni Louie habang lahat sila naghahabulan na habang nagsisipa ng tubig sa daan.

"Star game! Sinong sasali?" sigaw ni Corina at hinaklit ang aking braso.

"Kami po, sali kami." agad na singgit ng kabataan.

"Bato bato pick tayo, Corina. Highest ka dito, e." busangot ni Samantha.

Tumawa ako at lumapit kay Sean upang makipag bato bato pick. Ngumisi siya bigla kaya pabirong tinaasan ko ng kilay. Ako ang nanalo kaya magkakampi kami ni Corina. Sinali namin ang mga kabataan kaya marami kaming nagtatakbuhan sa malapad na kalsada.

"Kami naman! Cheaters, kayo naman ang taya!" daing ni Jenevie.

Humalakhak ako at kinuha ang lahat ng tsinelas.

Maybe Next Time (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon