Chapter 17

16.7K 337 44
                                    

Chapter 17: Lost

"Nagtataka kasi ako bakit hindi ka agad nakabalik. Pinahanap ka sa akin ni Miss para magsulat ng agenda kaya ako napadpad sa faculty. Pero narinig ko ang boses mo at ang malakas na tunog galing sa building 1. Instinct ko lang na lumapit roon at nahinto ako nang nakita ang sapatos mo sa building natin at ang isa ay nasa second floor pa." si Corina, pinapaliwanag kung paano nila ako nasundan roon.

"Kabado talaga ako noon kaya tinawagan ko si Louie baka napaano ka dahil hindi kita nakikita sa kung saan," pagpapatuloy niya.

Tahimik akong nakikinig sa kanila at sa mga tanong ni Mamang.

Umuwi sila rito nang tumawag si Howl para samahan ako dahil may aasikasuhin siya. Nananatili si Mama kasama si Papa sa kulungan upang sampahan ng kaso si Sir Roxas. Agad din dumating, rumisponde ang pamilya ni Sir Roxas kaya hindi nakalusot na ibilanggo siya.

Kay Louie ko lang nalaman na dumating doon si Howl at walang nagawa ang pamilya Roxas at nakulong ang guro ngunit patuloy pa rin ang pagdedemanda nila Mama roon. Hindi nila iiwan hangga't maapprove ang demanda na walang piyansa.

"Tapos nakita ko na kasunod mo si Sir Roxas ngunit akala ko wala lang pero kinakabahan ako dahil mukhang natatakot ka na talaga at wala na ang suot mong sapatos at nagulat ako dahil nagmamadaling lumapit sa akin si Manong Mario, nanghingi ka daw ng tulong pero nalilito rin siya bakit kayo naghahabulan ni Sir Roxas,"

"Hindi ko uurungan ang kasong ito. Dapat mawalan ng lisensya ang lalaking iyon!" galit na sabi ni Mamang.

Buong katawan ko ay pagod. Patuloy na hinihilot ako ni Mamang habang patuloy nagpapaliwanag si Corina. Iniindi ko ang sakit sa bawat pisil ni Mamang at mahigpit lang na kinuyom ang kamao tuwing sumasakit.

Nakahiga ako ngayon sa aking higaan habang hinihilot ni Mamang ang aking bugbog na katawan.

"Pansin ko kasi na nag iiba ang hitsura ni Divine tuwing nakikita o nakasalubong namin si Mr. Roxas." patuloy ni Corina. "Hindi man lang sinabi ng isang 'to kung bakit!"

"Wala akong alam sa mga ito." bigong sabi ni Mamang. "Anak, bakit hindi mo sinasabi ang ganito sa akin?" aniya.

"Lola Xima, kailan lang po si Divine na magpahinga muna. Tsaka nalang natin tatanungin." mahina singgit ni Corina.

Nakikinig lamang ako sa kanila at tumahimik lamang. I was verbally harassed for almost a year but I didn't acknowledge it, I just ignored it. Akala ko malalampasan ko lang ito kung iiwas ako sa kanya. At natatakot din ako mag open up sa kanila tungkol dito dahil wala akong sapat na pruweba.

Akala ko rin kasi na hindi na mauulit ang paglapit ni Sir Roxas sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya at sa iiwas ko. Being silent for that experience caused me to experience such disgusting and shameful event.

Bumalik si Mamang sa presinto dahil hindi siya mapakali na hindi niya mismo makita na nakulong ang may gawa nito sa akin. Naiwan kami ni Corina at Louie sa bahay at sobrang tahimik ng buong kwarto.

"Okay ka na?" marahan na tanong ni Louie.

Biglang tumayo si Corina nang may tumawag sa kanya.

Tumango ako kay Louie at ngumiti. Nakikita ko sa kanilang pagmumukha ang pag aalala at gusto kong magpasalamat sa kanila dahil kung natagalan ang kanilang pagdating, hindi ko na alam kung ano pa ang kinahinatnan ko.

Naninigas at nanlalamig ang aking tiyan nang sumalang sa imahinasyon ang posibilidad ng pangyayari kung hindi sila agad dumating.

"Bibisita ngayon sila Pauline. Nalaman na ng buong department ang ginawa ni Mr. Roxas sa'yo," si Corina.

Maybe Next Time (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon