Chapter 7

18.3K 457 64
                                    

Chapter 7: On

Pinaliwanag ko sa kanila kung bakit nandito si Howl at ang pag iba ng aking damit. At gulat pa rin si Lola Celine, hindi inaasahan na siya ang tinutukoy ko na kaibigan kanina.

"Kumain ka pa, hijo." si Mamang at nilagyan ng kanin ang pinggan ni Howl.

Tahimik lamang ito, kanina pa. Nagsasalita lamang kapag tinatanong. Siguro ako lang ang naco–conscious sa ihip ng hangin.

"Mamang, hayaan n'yo na po." mahina kong sambit.

Napatingin siya sa akin bago kay Howl. "Natural na pakainin natin ng maayos ang kaibigan mo, Divinia."

Sandaling tumingin ako kay Howl. Kanina pa nila nilalagyan ng pagkain ang kanyang pinggan at hindi umaapila pero baka nahihiya lang siya kaya piniliit na ubusin iyon.

"O, sige, kumuha ka lang, Engineer. Marami pa iyan."

"I'm fine with Howl, Ma'am." magalang niyang sabi.

Humalakhak si Lola Celine at Mamang.

"Boss kita sa trabaho kaya 'yun dapat." nakangiting saad ni Lola.

Bahagyang napanguso ako at muling tinutok ang atensyon sa adobong manok. Tinulungan ko si Mamang sa pagliligpit ng lamesa habang naunang nagpahinga si Lola Celine at naroon sa sala si Howl.

"Samahan mo na roon, anak." si Mamang. 

Marahan akong tumango at nagpunas ng kamay kasabay ng pag angat ng tingin sa orasan. Sobrang late na ng aming hapunan kaya muling bumaling ako kay Howl, diretsong nakatitig siya sa telebisyon at dahan dahan na napatingin sa akin. Tumikhim ako kasabay ng pagtunog ng cellphone.

"Sinong tumawag?"

Inabot ko ang cellphone sa may tukador at agad sinagot nang si Papa ang naroon.

"Pa..." masaya kong bungad.

"Divine? Nakauwi ka na? Nasa bahay ka na?" sunod sunod na tanong niya. "Tumawag ang lola mo na nawawala ka raw!"

Umawang ang aking labi at sandaling tumingin kay Mamang.

"Nakatulog lang ako sa library, Pa. Nakauwi naman agad," sabi ko.

Rinig ko ang kanyang paghugot ng malalim na hininga.

"Ingatan mo ang sarili mo, anak. At saka, sa susunod na linggo, luluwas ako d'yan. Bago pa magsisimula ang pasukan, madedestino na ako d'yan, anak."

Umawang ang aking labi ngunit tumango. "Mabuti naman po, Papa. Aasahan ko iyan."

Tumawa siya. "Oo, anak. Sige, magpahinga ka na d'yan."

Agad kong binaba ang cellphone pagkatapos tumunog ang pagkababa ng linya at muling nilapag ang cellphone sa lamesa. Mataman lamang akong tiningnan ni Mamang at hindi nagtanong.

Nilapitan ko si Howl na walang ibang ginagawa sa inip at pinapaikot ang remote ng TV sa kanyang kamay. Nang nakita niyang naupo ako sa isang couch, umayos siya ng upo at tinigil ang ginagawa.

"Maraming salamat sa paghatid, Howl." nakangiti kong sabi.

"You're welcome..." mahina niyang sabi bago tumayo, kaya napatayo na rin ako.

"It's getting late," aniya.

Marahan akong tumango. Nahihiya naman ako sa pag abala sa kanya at muling nanghingi ng pasensya ngunit binabalda na naman niya.

"Mang, ihahatid ko lang si Howl sa labas. Aalis na po siya."

Sumungaw ang ulo ni Mamang sa kusina.

"Sige, sige. Mag ingat ka sa pagpapatakbo ng sasakyan, Howl. Walang mas importante pa sa buhay." agarang tugon niya.

Maybe Next Time (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon