Chapter 18

17.5K 360 38
                                    

Chapter 18: Trial Card

Unti unti kong minulat ang aking mata at sumalubong sa akin ang kanyang pabango.

"Nagising ba kita?" he whispered.

I shook my head and sat on the bed. Hindi nakasirado ang bintana ng kwarto kaya naaninag ko na madilim na sa labas.

"Tinawagan ko ang Mama mo kanina. Pinagpaalam kita na nandito ka sa condo," aniya kahit hindi ko tinanong.

Marahan akong tumango. Bago pa lang, presko pa ang nangyari noong nakaraang buwan ngunit ito na naman. I'm prone to danger and scandalous events nowadays.

"Is everything all right?" malumanay niyang tanong at umusog papalapit sa akin.

Nginitian ko siya.

"Will I spend the night in jail? I'm a drug buyer." natatawa kong biro.

Humalakhak siya. "Let them try."

Kumawala ang marahas na hininga sa akin. Pinanood niya akong umupo ng maayos. Binaba ko ang mga paa sa sahig at tinukod ang dalawang kamay sa tabi.

"Hindi ka na-turn off sa'kin?" mataman kong tanong sa kanya.

Palagi nalang siyang nandito sa tuwing may kailangan ako. Sobrang nahihiya ako ng husto sa kanya. He is well grown and independent while I... I lack so many things.

"Bakit ako ma-turn off?" kunot noo niyang tanong pabalik.

Mahinang tumawa ako at nagkibit lamang ng balikat, hindi kayang tupukin ang dahilan. Sa pangalawang beses, humugot ako ng malalim na hininga at masiglang tumayo.

"Gabi na." nakangiti kong sabi.

Nakaangat ang kanyang tingin sa akin at naroon pa rin ang pagkakunot ng kanyang noo. I smiled again and took my small shoulder bag beside the lampshade.

"Magtataxi lang ako pauwi." mahina kong sabi.

Wala akong narinig na salita galing sa kanya kaya nilingon ko siya. Nananatiling nananantya ang kanyang mga titig at nag abot ang kanyang kilay.

"Thank you talaga, Howl." sabi ko.

"Hindi ko alam kung paano babayaran ang kabutihan mo." nahihiya kong dagdag.

"You're leaving?" tanging sabi niya na siyang nagpapatigil sa akin.

Kumurap kurap ako. "Ah, o–oo,... Uuwi na ako sa... amin."

Dinilaan niya ang kanyang labi. "Stay. We're having dinner."

Napalunok ako sa alok niya. Bago pa ako makasagot o makatugon, agad na siyang tumayo at pumasok sa kanyang banyo. Natutop ang aking labi habang tiningnan ang kanyang malapad na likod hanggang pumasok na siya roon.

Agad akong bumaba upang ako mismo ang maghahanda ng hapunan. Naging tamang oras iyon para makita ko ang kabuuan ng kanyang condo. Ang kanyang kusina ay kompleto sa gamit at may iilang kagamitan pa na ako mismo ang nakaunang gumamit ng mga iyon.

Pinusod ko ang aking buhok upang hindi mahirapan sa pagluluto. Nilabas ko ang manok sa freezer at nakitang may ready to cook na na meat, grounded na kaya nilabas ko rin. Hinanda ko ang rekados sa lulutuing ulam. Inuna ko ang pag adobo ng manok at habang sinasaing ko ang kanin, nagsalin ko ng konting grounded meat at gumawa ng meatballs.

Isang kalabog ang napaigtad sa akin. Nanlaki ang aking mata nang nakitang nakapagat ng labi si Howl, nakatuwalya lang ang pang ibabang katawan at ngumingiwi. Bumaba ang aking tingin sa kanyang paa na nabundol sa corner.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Sa paglapit niya, nalanghap ko agad ang kanyang bango galing sa shower. Umiwas ako ng tingin nang dumapo ito sa kanyang hubad sa katawan. Nagsisikap na kumapit ang tuwalya sa kanyang baywang at hindi ako sigurado kung may sinuot ba siya sa ilalim nito.

Maybe Next Time (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon