Chapter 38

25.6K 448 52
                                    

Chapter 38: Rain

The land has a lot of growing grass. Halos hanggang tuhod ko na ang mga ito at hindi kami makadaan patungog dulo kung saan nagtatayuan ang mga punong kahoy nang hindi inaapakan ang namamasang lupa.

Pinili kong magsuot ng butas, simpleng orange crop-top at dark green short shorts upang hindi ako mahirapan. Howl paired himself with black polo shirt, dark blue maong pants, and brown boots too. Para siyang istriktong haciendero sa kanyang kasuotan. He surveyed the land with a Geodetic Engineer, he himself hired.

Kagabi naisipan namin magpagawa ng eskrima upang hindi makalagpas sa kabilang lupain at maiwasan ang gulo. Philippines is very known to have fights about lands so it's best to avoid that.

Madelaine proposed the budget for the fencing including the barn. Kaya pa naman sa pera ko ang mga babayaran ng mga materyales at labor pero sa plano para sa farm ay talagang mas malaking budget ang kailangan. I talked to her over the phone and asked her to reduced the budget for the farm. Kaya naman siguro kahit mga pechay, mais, at tamatis lamang muna ang itatanim. Saka nalang ang iba pa kung nakabawi kami sa puhunan.

"I'll send the budget plan via email, Divine." si Madelaine.

Marahan akong napatango habang nakatingin sa pinapatayong bahay ni Papa sa malayong parte ng lupain.

"Okay. I'll check the house here if I can do something about it," tugon ko.

"You can house the workers there or so. Maybe turn it into a resthouse?" suhestyon niya.

Papa is now living in Manila. Hindi ko alam kung saang parte ng Maynila siya tumitira ngayon pero base sa sinabi ni Aling Greta, hindi na bumalik si Papa dito noong nakaraang buwan pa. Ayos lang sa akin kung saan man siya basta ay huwag na lamang gagawa ulit ng kalokohang walang saysay.

I can't change the fact that he is my father. I can't get angry at him all the times because I will only feel the heavy burden. Ang aking tanging magagawa ay tanggapin na lamang ang nangyari ngunit hindi na iyon mauulit.

"Yes, I can add stuff to house the workers, Madelaine."

Humalakhak siya. "Okay, Ma'am."

Binaba ko na ang tawag bago bumaling kay Howl na seryosong nag uusap kasama ang surveyor. Hindi na ako nagpaalam at naglakad patungo sa bahay. It is half-amakan at half concrete but double walling.

Sinalubong ng hangin ang aking buhok at sumasayaw sa indayog ng hangin habang tinatahak ko ang damuhang daan patungo sa bahay.

I pushed it open because it wasn't lock. Bahagyang tumaas ang kilay ko nang nakita wala na dito ang mga gamit na nakita ko dito noon. The house is very empty and some papers were on the floor. Wala na ang couch at lamesa ng kusina. All that's left is the walls and the floor, no hints of appliances.

"Ate Divine, nandito na po sila..."

Nilingon ko si Bentong at ngumiti. Naririnig ko ang tawanan nila Aling Greta sa labas at sa halip sa salubungin sila, inuna ko ang aking pagkakuryoso.

"Kailan nilipat ni Papa ang gamit dito, Bentong?" tanong ko sa binata.

"Noong lunes, Ate. Si Aling Yumi 'yung nakita kong kumukuha ng mga gamit, e."

Oh. I thought she doesn't have the guts to step foot again in this house. I shrugged off the thought.

Lumabas na kami ng bahay ni Bentong. He had grown taller and mature. Noon, batang madungis lamang siya at puro laro ang inaatupag ngayon, isang responsableng binata na na tumutulong sa mga magulang.

Sumalubong sa akin sila Aling Greta kasama ang iba pang kapitbahay naming inaya niyang maghahabas ng mga damo. Napatingin sila sa akin at ngumiti. Pito sila na nandito ngayon. Siguro papunta pa lang ang iba. Naghire kasi ako na maraming maglilinis para mabilis na masimulan ang pagtatanim lalo na at papalapit na ang tag-ulan.

Maybe Next Time (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon