Chapter 21

19.5K 470 134
                                    

Chapter 21: Ignore

All those things that hurt us, all those struggles that refined us will always, always be part of who we are.

My mouth fell agape in disbelief, torrential dismay, anxiety, fear, and betrayal. All is too much for me to handle for the entire year.

Unti unti naghihilom ang mga sugat habang nasa panibagong environment na kami naninirahan. Dahan dahan kong naayos ang nagka buhol-buhol na sinulid.

And I no longer see pain as dire, disruptive. But rather a profound and strong powerful storm that turned me into a full bloomed flower. Pain is not something we should avoid at all cost.

"You're staying for good na, Divine?" nakangising tanong ni Shen.

Bahagyang natawa ako roon at nagkibit ng balikat. "Hindi ako sigurado, e."

"Pasensya nga pala hindi kami nakadalo sa libing ng Lola mo. Ilang buwan pa namin nalaman iyon nang nagsimula na ang pasukan at wala ka," sabi ni Queenie.

Ngumiti lamang. Mabilis ang oras noon. Hindi ako halos makahinga dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari na talagang nakakasira ng pag iisip.

"Let's dance, girls! Woo!" si Pauline at gumiling giling na kahit nasa harap pa namin.

Nilagok ni Corina ang shot at tumayo na rin kasama ni Shen. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa katabing couch kung saan nakaupo si Adelma at si Howl. Naninikip ang aking dibdib nang nakitang magkadikit sila at mukhang may pinag katuwaan.

Humugot ako ng hininga. Kalma lang, self. Kaya mo 'to.

Kanina ko pa binalewala ang presensya nila at tinuon ang atensyon sa ibang bagay ngunit hindi ko talaga mapigilan na mapuna.

"Divine, Adelma! Tayo na!"

"Oh! Yeah, sure!" hagikhik ni Adelma.

Inabot ko ang vodka sa harap at inubos sa isang lagok lamang bago tumayo. Nakasabay ko sa pagtayo si Adelma at ngumiti siya sa akin na agad akong umiwas.

"Don't go to the dance floor." his baritone voice sounded.

I felt the chills. Nahinto ako sa kinatatayuan tila naninigas.

Humalakhak si Adelma. "You never stop me before."

Right! Akala ko ako ang sinabi noon. Pasimple akong tumikhim at ngumiti kay Pauline na naghihintay bago siya nilagpasan. I never dared to look back and I fisted my hands.

"Divine, dito..." sigaw ni Pauline.

Kumurap ako dahil maling direksyon ang tinunguhan ko. Humugot ako ng hininga at lumapit sa kanila.

Bakit ko ba iisipin na makipag usap siya sa akin? I was just a fling back then!

I was here three years ago after I slowly processed everything and only to find out another heartbreaking news. Which, in fact, it isn't just news, I witnessed it myself. Bumalik ako dito three years ago to surprise him after I gathered myself together.

Ako ata ang nasurprise sa binalikan ko noon. I saw him kissing a girl in his office. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ayos lang iyon. Lalaki siya, mayaman, at guwapo. He can play whoever he wants. Pero kahit gaano ko pa iyon ipapaliwanag sa sarili nasasaktan pa rin ako at umaasa.

But I said to myself too, iba siya sa akin. He doesn't treat me like one of his playtime girls. Or at least that's what I choose to believe, so I came back.

Tinaas ko ang aking mga kamay sa ere upang sumaway sa magandang indayog ng musika. Humalakhak si Shen sa aking tabi kaya napukaw ang aking pagpikit ng mga mata.

Maybe Next Time (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon