CHAPTER 10

82 39 53
                                    

Boyfriend

“Pwede bang umuwi muna ako? Magpapaalam lang ako sa mga kasama ko sa bahay tsaka kukunin ko na yung mga gamit ko tsaka magfa-file na rin ako ng resignation sa pinagta-trabahuan ko”

I guess this is really my fate. I should learn how to use my brain now para hindi ako nalalagay sa alanganing sitwasyon.

He took a glance at me at ibinalik ulit ang atensiyon sa panonood ng interview ng isang model? Anong meron? Gerlpren niya?

“I already took care of it, you don’t have to file that thing and I’ll go with you when you go home”

“You don’t have to. Baka matagalan ako” tamad niya akong tinignan

“I don’t care Alessia. I’ll go with you”

“Okay, tara na. now na tayo umalis” he sighed as he turned off the tv and wore his white sneakers

Ngayon ko lang napansin na same outfit pala kami. Grey shirt, black pants though, he’s wearing short and white sneakers.

“Leave your bag here. Babalik ka rin naman dito” umirap ako sakanya at ibinaba ang bag sa sofa, kinuha ko na lang ang wallet at phone ko

Tahimik lang akong nakasakay sa BMW niya bukod sa iniisip ko talaga kung anong sasabihin ko sa kanila ngayon na nandoon pa naman silang tatlo sa bahay. Iniisip ko rin kung ilan bang sasakyan ang pagmamayari nito?

Napatingin ako sa side mirror at nakita ang buong itsura ng bahay niya pag nasa labas. Nasa medyo mataas na bahagi yung bahay niya kaya maganda ang makikitang view pag nasa loob at talaga ngang malaki ito kahit na tatlong palapag lang ang meron

Tumingin naman ako sa harap para abangan kung saan siya nakatira at nang makarating kami sa guard house banda may nakita akong nakalagay na El Haven Casa Village?! Sa pagkakaalam ko yung may ari nito yung may ari din ng Bellandi Heights Subdivision kung saan kami nakatira and based on what I’ve heard ang mahal ng mga house and lot dito.

Mukhang mayaman naman pala ang isang ‘to e, baka nga barya lang sa kanya yung pinambili niya sa Exelero

Wait? Bellandi? E diba Bellandi rin yung surname nung OB –GYNE ni Eloah? Tapos yung name ng hospital is Bellandi Medical Hospital kung saan ko hinalay yung sasakyan ni…. ni….. sino nga ‘to?

Oh my gosh? Sumasama na ako sa kanya e ni hindi ko pa nga pala siya kilala. Napa face palm naman ako sa narealized ko at tumingin sa lalaking nag da-drive ngayon

Seryoso ang mukha niya habang nag da-drive, nakatukod ang kaliwang siko sa bintana habang nasa bibig ang ilang mga daliri at ang kanang kamay ang tanging nakahawak sa manibela. He really got the looks huh. Ang amo ng mukha niya na mahahalata mo rin naman na may pagka playful

“Staring is rude” nagulat naman ako ng bahagya nang marinig ko siyang nag salita pero hindi ko na inalis ang tingin sa kanya

“Sino ka?” seryosong tanong ko habang nakatingin ng maigi. Napa baling naman siya sa akin agad

“Woman if this is your act again, you better stop it. I told you I won’t buy it” sabi niya at tumingin ulit sa harap

“Duh! Di ko naman binebenta tsaka I’m asking for your name. It’s so unfair na you know me tapos ako ni hindi kita kilala”
He smirked as he glanced at me

“You seriously don’t know me?” he asked with his raised eyebrow

“I wouldn’t ask you if I do. You used that head of yours” tinuro ko pa yung ulo niya “Not only that head” at tinuro ko naman yung isa pa

The Place I Really Belong (When He Realized Series 1)Where stories live. Discover now