CHAPTER 12

74 36 26
                                    

Want, Need and Stay


I gave him his coat bago kami pumasok dahil sayang naman ang details nitong dress ko lalo na yung criss – cross strap ko sa likod. Ayaw pa niyang tanggapin nung una at tinaliman pa ako ng tingin. Nung ihuhulog ko na lang sana sa sahig agad naman niyang inagaw sa akin. Akala mo ha! 

Kahit naman maliit ako I can pull off this kind of dress no! sinasabayan ko naman siya ng lakad dahil nakapulupot ang isa niyang braso sa waist ko. Nagpalinga linga ako at tinignan ang buong paligid, it’s a mansion!

Namamangha talaga ako sa laki at ganda nang mapagtanto ko kung gaano kalaki at kalawak ang connection ng isang ‘to. Well, isa ang pamilya nila sa may pinaka malaking business inside and outside the country.

Hay sige na! aamin na ako. Mahirap nga talaga ako. Grabe, parang sinasampal ako nitong mansion ng katotohanan

“Hijo! My Lucas!” napatingin naman ako sa narinig kong pambabaeng boses. Nakita kong papalapit ang isang nasa around fifty’s na siguro ang age pero hindi mahahalata dahil sobrang ganda pa rin niya

“Mom” my eyes widened dahil nanay niya ‘to?! Weeeeh? Baka issa prank! Umisang hakbang naman ako patalikod dahil bigla akong nakaramdam ng hiya at kaba

Yumakap siya sa anak at dumako ang tingin sa akin na nginitian ko naman
“Is it her, Lucas?” He asked his son nang humiwalay siya sa pagkakayakap. Masaya niya naman akong tinignan

“Yes mom, this is Klerah Alessia” sabi niya habang pinapadausdos ang bisig sa baywang ko. Nagtataka ako sa pinag uusapan nila. Kilala ba niya ako? Oh no! Baka alam niya na ako ang humalay sa sasakyan ng anak niya

I composed myself first. Wag ka magpahalata Klerah!

“Hello po, nice to meet you po” I offered a handshake pero binalewala niya lang ito at niyakap ako. I stilled for a moment pero ginantihan ko rin ang yakap niya.

Why is she acting like this? Ganito ba siya sa lahat ng maisasama ni Lucas sa mga event?

“Oh hija! It’s nice to finally meet you. I’m Laura, his mother” sabi niya pagka hiwalay sa akin at may malapad na ngiti sa mga labi

What is she talking about? I look at Lucas pero may kausap na siyang isang lalaki na kapatid niya yata dahil may pagkaka hawig sila. Ang masasabi ko lang ay ang gaganda ng genes nila dahil ang popogi at ganda ng mga kinalabasan. Tignan mo nga naman oh hindi ako makapili kung sino ang mas pogi

Napansin niya yatang napatingin ako sakanila kaya iniabot niya ang kamay sa akin
“Hi, I’m Larkin”

“Klerah. Nice to meet you” sabi ko habang nakangiti nang abutin ang kamay niya 

“Kuya!” I heard a girl voice again at nakita kong may yumakap kay Lucas, maybe that’s his sister. Ilan ba silang magkakapatid?

Natanaw ko naman ang isang lalaking maganda ang tindig na lumapit kay Ma’am Laura at nasa likod nito si Doc. Laureen. Is this a mini family reunion? Don’t tell me yung mag ce-celebrate ng anniversary ay…. parents niya?

They are looking at me with a wide smile on their faces. Si Ma’am Laura naman ay may ibinubulong sa asawa niya at napapahagikgik pa. awwww what a cute couple! Full of love. Sana all

“Hi! We just saw each other yesterday. Hindi mo naman nabanggit na isasama ka ni Lucas ngayon sa wedding anniversary ng parents namin” sabi ni Doctora pagkalapit at yakapin ako ng bahagya. Nalaman ko lang kahapon na chinika pala nila Eloah sa kanya  na boyfriend ko ang kapatid niya. Haaaay mga sakit sa ulo. Baka nabanggit na ni Doctora sakanila kaya siguro ganito sila makitungo sa akin

The Place I Really Belong (When He Realized Series 1)Where stories live. Discover now