CHAPTER 25

73 12 40
                                        

Marry me again

When I woke up, I immediately look for my phone and see the time. It’s four in the morning and I have to get up before he woke up. His arms are wrapped around my waist and I don’t know how to get up. I waited for him to at least move his hands and thankfully he did! I didn’t think twice to get up and place a pillow beside him. I hope that would work. I rush to the kitchen and get out all the ingredients I’ll need. I decided to bake a cake for him first and while it’s still in the oven I started preparing for his favorite foods. Shocks! I’m really nervous that he’ll get up and see me preparing here in the kitchen na sobrang kalat na.

After some time his mom called me while I was making the cake and told me they are on their way as well as my parents to help me prepare. I’ll expect the girls to be here around six am dahil for sure mahihirapan silang gisingin si Eron. Atlas messaged me as well na papunta na silang apat and he reminded me about Ate Prim. Hay Atlas if you just move your ass now at magpa pansin kay ate baka kayo na ulit. Nararamdaman kong rurupok sayo si Ate Prim.

I’m currently making Beef Stroganoff and Salisbury Steak. Buti na lang at hindi ko napag papalit ang mga ingredients ng dalawa. Gosh! Nakalimutan kong hindi pa pala ako nakakapag toothbrush at hilamos man lang, buti na lang at may extrang toothbrush sa common restroom kaya nag ayos na muna ako nang maihalo ko na lahat ng ingredients at inaantay na lang na maluto ang mga iyon. I still have to make spaghetti, lasagne, fish fillet, chicken fillet and cordon bleu. Good luck to you Klerah

Pagbalik ko ng kusina ay nakita ko sila mama kasama ang parents ni Lucas na pinapasok na pala ni kuya Raegan.

“Oh hija... Good morning” bati ni Mommy Laura

“Good morning po” bumeso ako sa kanila ni Dad at lumapit naman ako kanila mama

“Good morning parents” I said at nag flying kiss sa kanila. Pabiro akong kinurot ni mama sa tagiliran

“Loko loko ka talaga. Ano pang dapat lutuin?”

“Uhm, fish fillet, chicken fillet, spaghetti, lasagne and cordon bleu pa... Kaso baka magising na yung isa”

“It’s fine hija, may mga stove pa naman dito at kayang mapag sabay sabay and about the spaghetti, don’t worry I already cooked it” sabi ni mommy sabay itinuro ang nasa lamesa.

“Oh thank you po! Lucas would love that, nabanggit niya sa akin na it’s been a long time since he had your spaghetti” ngumiti sa akin si mommy at tumingin kay dad na parang nagmamayabang at nagkibit balikat lang si dad na natatawa

“Don’t worry about the lasagne Klerah, that’s my specialty nakakalimutan mo na ba? I already cooked it nandoon sa lagayan” tinuro din ni mama sa akin ang katabing bag nung dala ng parents ni Lucas. I looked at my mom shocked

“Wow thanks ma... Sila ate ba pupunta?”

“Pupunta ang mga 'yon, alam mo namang mahihirap gisingin ang mga iyon pero nandoon naman ang kuya Coen mo may taga gising sila” tumango tango ako habang hinahalo ang mga niluluto. 

Mama asked kung nasaan ang mga ingredients for chicken and fish fillet at nang maituro ko ay nagsimula na silang dalawa ni mommy kumilos. Ang tatay naman namin ni Lucas ay nandon sa pool area at nag kakape.

“Klerah nag text ang tita Wenna mo, siya na daw ang bahala sa cordon bleu. Sumakto na yun daw talaga ang dadalhin niya ngayon at nandito na rin daw sila within one hour”

“Ma pakisabi kay tita thank you” tumango lang si mama tsaka bumalik sa pag gawa ng fish fillet.

After 30 minutes ay okay na ang Beef Stroganoff at Salisbury Steak. Hinayaan ko na sila mama na magluto ng mga fillet dahil aayusin ko pa ang cake. I looked at the time and it's almost six

The Place I Really Belong (When He Realized Series 1)Where stories live. Discover now