SIMULA

14 0 0
                                    

Bambam

Nagising si Bambam sa kanyang pagtulog, hinihingal at puno ng pawis ang kanyang buong katawan.

Isang masamang panaginip.

Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto at nakita ang oras. 2:30am.

Napahawak siya sa kanyang kumikirot na dibdib habang inaalala ang kanyang panaginip.

Isang babae na hindi niya kilala, ngunit bakit ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya ng makita ang paglaho nito sa kanyang harapan?

Napatingin siya sa labas ng kanyang bintana.

Ang buwan.
Kailan pa nagbago ang liwanag nito?

MAYBE THE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon