Nakatingin lamang si Bambam sa kisame.
Kanina pa niya hinihintay na dalawin siya ng antok, ngunit dalawang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya makatulog.
Napatingin siya sa dream catcher na nakasabit sa kanyang bintana.
"Hindi mo nga ako hahayaan na bangungutin kasi hindi mo naman ako pinapatulog ngayon." reklamo ng binata.
Ilang beses pa niya inayos ang kanyang pagkahiga ngunit hindi pa rin siya madapuan ng antok.
Tulog na sinta ko
Ipikit mga mata moNapatingin si Bambam sa labas ng kanyang bintana kung saan nanggagaling ang boses na kanyang narinig.
Isang boses ng babaeng umaawit.
Pakinggan mo
Ang awit koBoses na kay ganda at tila ba'y kinakausap siya.
Dahil sa iyong pagtulog
Kasama mo akoAng kanyang mga mata'y dahan dahang pumipikit at isang ngiti ang kanyang ibinigay bago tuluyang makatulog ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
MAYBE THE NIGHT
Fanfiction"Pagmasdan mo ang ningning ng buwan, hudyat na ako'y iyong muling makakasama at ika'y patuloy na babalikan."