BAMBAM

6 0 0
                                    

Bambam

Nagising si Bambam sa kanyang pagtulog, hinihingal at puno ng pawis ang kanyang buong katawan.

Isang masamang panaginip.

Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto at nakita ang oras. 2:30am.

Napahawak siya sa kanyang kumikirot na dibdib habang inaalala ang kanyang panaginip.

Isang babae na hindi niya kilala, ngunit bakit ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya ng makita ang paglaho nito sa kanyang harapan?

Napatingin siya sa labas ng kanyang bintana.

Ang buwan.
Kailan pa nagbago ang liwanag nito?

"Bakit naman ganoon ang panaginip ko? Sino ba yun?" tanong nito sa sarili bago naglakad papunta sa kanyang kusina para kumuha ng maiinom na tubig.

Maingay pa rin sa labas, mga torotot at mga paputok lamang ang kanyang naririnig.

New Year nga pala.

Binati lang niya ang kanyang mga kaibigan kanina bago natulog dahil wala naman siyang kasama para salubungin ang bagong taon.

Papasok na siya ng kanyang kwarto ng makita niya ang dreamcatcher  sa kanyang bintana. Nilapitan niya ito at sinilip na rin muli ang buwan.

Matagal na niyang iniisip sino ba ang nagbigay nito sa kanya, ngunit sumasakit lamang ang kanyang ulo pagkatapos mag isip.

Bakit nga ba nag iba ang itsura ng buwan? Kailan pa nangyari iyon? At bakit tuwing nakikita niya ito ay nalulungkot siya hindi kagaya noon?

MAYBE THE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon