DIYOSA NG BUWAN

10 0 0
                                    

Bam" tawag ni Luna sa binata na nakatingin sa kalangitan.

"Luna, ako lang ba o nawawala na naman ang buwan?" malungkot nitong tanong.

"Lagi mo naman kasama ang buwan, Bam." nakangiting sagot niya sa binata.

Mahinang napatawa si Bambam sa sinabi ni Luna ngunit hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kalangitan. Mga bituin lamang ang nagbibigay liwanag sa kanila sa gabing iyon.

"Naalala mo pa ba yung usapan natin tungkol sa Diyosa ng Buwan?" mahinang tanong ng dalaga, agad naman nitong nakuha ang atensyon ng binata sa kanyang harapan.

"Oo, Luna. Bakit?" ang buo nitong atensyon ay naituon na sa kanya.

"Totoo siya." nakangiting sagot niya kay Bambam. "Totoo ako, Bam."

Nagtatakang tinitigan ng binata ang dalaga.

"Good joke, Luna." sabi nito at itinuon ulit ang pansin sa kalangitan.

"Bam, totoo ako. Nandito ang buwan, dala dala ko dahil nawawalan na siya ng liwanag." malungkot na sabi ni Luna at iniharap kay Bambam ang kanyang palad.

Dahan dahan ipinapakita ang buwan na nagmistulang ilaw sa kanilang harapan.

Dahan dahan ipinapakita ang buwan na nagmistulang ilaw sa kanilang harapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Masaya akong malaman na isa ako sa mga dahilan kung bakit ka masaya, Bam."

"Luna, anong—paano?" hindi makapaniwalang saad ng binata.

"Ngayon, makinig ka sa akin." malungkot na ngiti ang ibinigay ng dalaga bago tuluyang nagsalita.

"Kailangan mo na ako kalimutan." nagulat si Luna nang bigla siyang hawakan ni Bambam sa kanyang palapulsuhan.

"Bakit? Bakit kita kakalimutan, Luna?" hindi niya matignan sa mata ang binata. Masakit, mahirap.

Nararamdaman na niya ang panghihina ng kanyang katawan. Napatingin siya sa buwan, kaonti na lang ang liwanag. Kailangan na niya tapusin bago pa siya mawala sa harapan ni Bambam

"Kasi delikado para sa ating dalawa. Kailangan. Kahit hindi mo gustuhin, makakalimutan mo rin ako." may diin na sabi ng dalaga.

"Ayoko Luna, hindi pwed—"

"LUNA!" isang boses ang pumutol sa pagsasalita ni Bambam bago matumba ng tuluyan ang dalaga sa kanyang harapan.

Agaran naman tumakbo si Beta kung nasaan ang dalawa.

"Layuan mo si Luna" may galit na sabi nito kay Bambam.

"Beta. Beta. Kung si Luna ang buwan. Isa ka bang bituin?" tanong ni Bambam ngunit inismiran lamang siya ng binata bago binuhat ang dalaga na nawalan ng malay.

"Saan mo siya dadalhin, Beta?" pagpigil ni Bambam.

Ngunit agad din napabitaw ng makita niya ang buhok ni Luna na dahan dahan nagiging kulay itim. Ang katawan ng dalaga na naglalabas ng mga maliliit at makukulay na bituin.

"Luna, wag ka muna sumuko. Dadalhin pa kita kay Cielo." ang huling narinig ni Bambam bago naglaho ang dalawa sa kanyang harapan.

" ang huling narinig ni Bambam bago naglaho ang dalawa sa kanyang harapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MAYBE THE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon