Naglalakad si Luna sa hardin na kung tawagin ay Hortus Vitae. Isang hardin kung saan ang buhay ng mga namayapa ay nakatago.
Iba't ibang klase ng bulaklak ang kaniyang nakikita, ngunit kapag ito'y hinawakan ay umiilaw at may lumalabas na mga sfere— dito nakatago ang mga pangalan ng mga tao na binigyan ni Cielo ng isa pang tiyansa para mabuhay muli.
"Luna" napalingon si Luna sa pinanggalingan ng boses at nakita na ito'y galing kay Gamma.
"Gamma, anong ginagawa mo dito?" litong tanong ng dalaga sa kanya. Yumuko muna ang binata bilang respeto bago nagsalitang muli.
"Ilang araw ka na pabalik balik dito. Nag aalala na ang mga kapatid mo dahil sa hindi pagliwanag ng iyong buwan." malungkot na saad ng binata.
Nakita nito ang malungkot na ngiti galing sa labi ng Diyosa ng Buwan. Matagal na sila magkakasama ngunit ngayon lamang nakita ng binata ang lungkot sa mukha ng Diyosa.
"Sa palagay mo ba galit sa akin ang mga kapatid ko?" malungkot na tanong nito.
"Hindi. Nag aalala lang sila sa'yo. Alam mo naman kung gaano kadelikado ang pagpunta sa Terra. Wala roon ang buhay mo, Luna." sagot ng binata sa kanya.
"Pero nandun ang taong mahal ko." mahinang saad ng dalaga.
"Luna, alam mong bawal. Mas delikado! Tigilan mo na 'yan bago pa malaman ni Cielo ang nararamdaman mo sa tao na iyon. Alam mo naman kung anong ginawa niya kay Solana noon." mahinahon ngunit may babala na sabi nito.
"Pero kaya ko ipaglaban. Kaya ko isugal ang buhay ko, makasama ko lang siya."
"At wala kang kasiguraduhan kung maibabalik ba niya kung ano ang nararamdaman mo sa kanya. Babalik na ako sa langit, sana naman bumalik ka na rin. Kailangan ka ng mga tao sa Terra." pagpapaalala ni Gamma at tuluyan na nga niyang tinalikuran si Luna para bumalik sa kanyang gawain.
"Magkaiba naman kami ni Solana. Kaya ko ipaglaban ang nararamdaman ko."
BINABASA MO ANG
MAYBE THE NIGHT
Fanfic"Pagmasdan mo ang ningning ng buwan, hudyat na ako'y iyong muling makakasama at ika'y patuloy na babalikan."