ESTRELLA PART 2

5 0 0
                                    

Tahimik na naghihintay si Luna sa kanyang kapatid. Pinagmamasdan niya ang mga nakatagong libro at mga gamit sa loob ng Cubiculum.

"Luna bakit mo ako gustong ma— anong nangyari sa'yo?!" napalingon ang dalaga sa bagong dating.

Gulat at takot.

'Yan ang makikita sa mukha ni Estrella. Ang dalawang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig habang nakatitig sa kanyang kapatid.

"Ella, wag kang matakot. Alam kong alam mo na ang dahilan bakit ganito ako ngayon. Pero pwede ba ako humiling sa'yo?" nakangiti at walang bahid ng takot na tanong sa kanya ni Luna.

"Bakit? Paano? Luna..." hindi matago ang lungkot sa boses ng nakatatanda.

"Ella, pwede ba ako humiling sa'yo?" pag uulit ni Luna sa kanya.

"Oo, para sa'yo. Ano ba ang kahilingan mo? Sabihin mo sa akin Luna, tutuparin ko." mahinang sagot ni Estrella kay Luna. Ang mga palad ay paonti onting naglalabas ng maliliit na bituin na magbibigay katuparan sa kahilingan.

Ngumiti ang nakababatang kapatid sa kanya, yumakap at ibinulong ang kahilingan. Isang mahinang hikbi ang lumabas sa bibig ng nakatatanda habang ibinibalik ang malungkot na titig sa kanyang kapatid.

"Matutupad Luna. Matutupad ang kahilingan mo."

MAYBE THE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon