"Anong ginagawa mo dito? Alam mo na bawal kayo pumasok dito, diba?" napaharap si Luna sa kanyang kapatid na na naglalakad papunta sa kanyang mga alagang bulaklak.
"Galit ka ba talaga sa akin? Hindi mo man lang napansin kung anong nagbago?" mahinang tanong ni Luna sa kanya. Agad naman napatingin sa kanya ang nakatatandang kapatid.
"Anong sinasabi mo?— Luna, ang kulay ng iyong buhok!" agad na lumapit sa kanya si Cielo, takot ang makikita sa kanyang mga mata.
"Kaya mo ba ako pinagbabawalan bumaba?" malungkot na saad ng nakababatang kapatid.
"Luna, anong ginawa mo? Bakit ganito?" nagtatakang tanong nito sa kanya. Hindi maialis ang tingin sa kanyang bunsong kapatid.
"Kaya mo ba ako pinipigilan bumaba kasi ganito ang mangyayari sa akin kapag lagi akong pumupunta sa Terra?" malungkot na tanong ni Luna kay Cielo.
"Hindi. Hindi ganito ang nangyari kay Solana noon. Bakit ganito? Wag ka na bumaba sa Terra, Luna" pinagmasdang mabuti ni Luna ang kanyang nakatatandang kapatid.
"Hindi, ate. Kailangan ko pa rin bumaba sa Terra, may naghihintay sa akin doon." may diin sa boses na sinabi ng dalaga.
"Luna, hindi mo lugar ang Terra! Dito sa Coelum, dito ka—"
"Pero nandoon ang buhay ko. Nandoon ang taong mahal ko." putol nito sa nakatatandang kapatid.
"Gusto mo ba maulit sa'yo ang nangyari kay Solana noon?!" galit na tanong ni Cielo kay Luna.
"Hindi, pero ate... iba ang pangyayari noon sa pangyayari ngayon. Patawad pero hindi ko magagawa ang kagustuhan mo. Hindi ako katulad ni Solana na handang mawala ang mga ginawa mo para maligtas lang ang tao na minahal niya. Kasi ako? Handa akong isugal ang buhay ko makasama ko lang siya." sabi ng dalaga bago tuluyang umalis sa hardin.
"Gusto ko lang naman kayong protektahan. Bakit hindi niyo iyon maintindihan?" malungkot na saad ni Cielo habang tinitignan ang likod ng kanyang kapatid na naglalakad palayo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
MAYBE THE NIGHT
Fanfiction"Pagmasdan mo ang ningning ng buwan, hudyat na ako'y iyong muling makakasama at ika'y patuloy na babalikan."