Chapter III
Next day......
“Aevy! Tanghali na ah?!”Napabalikwas ako sa aking higaan na sunod-sunod ang narinig kong katok sa aking pintuan.
“Gumagayak na po!”Sagot ko na hindi naman talaga.
Mabilis na akong nagtungo sa banuo para mali--hidni na ako maliligo. Hilamos nalang at pabango ay ayos na. Hindi naman nila ako aamuyin doon eh. Kausapin nga lang ako hindi nila magawa, amuyin pa kaya.
5 minutes na tapos na ako at kakain nalang ako sa baba. Umupo na kaagad ako at sinumulan ko ng kumain.
Lumapit sa akin si nanay at hinawakan ang buhok ko sabay amoy dito. “Hindi ka naligo?”
“Ah? Naligo ako--aray ko po!”Napahilot ako kaagad sa ulo ko dahil sa sapok ni nanay sa akin.
“Dalaga kana, Aevy! Pero hindi ka naliligo pag alam mong mala-late ka--”Hindi ko na pinatapos si nanay dahil hindi siya titigil. Baka marinig pa sa kapit bahay na hindi ako naliligo which is totoo naman, pero pag mala-late lang naman hehe.
“Pasok na po ako!”Sinuot ko na ang sapatos ko at lumabas na ng bahay. Sinakyan ko na ang bisikleta.
“Mag ingat ka! Wag kang mulala, anak!”Napailing nalang ako sa paalala ni nanay sa akin.
Mabilis akong nag pedal habang sinasalubong ang malakas na hangin na banayad na dumadampi sa aking mukha. Mas binilisan ko pa ang pag pedal para makarating na sa school at hindi ako malate. Kaya nga ‘di ako naligo para iwas late eh.
Malapit na ako sa pasukan ng school na may biglang lumitaw na lalaki doon at humarang sa aking dadaanan. “Tabi!”Sabi ko pero parang di niya ako naririnig kahit alam naman niyang padaan na ako.
Sa pagliko ko sa aking bike ay nagkamali ako ng pagkabig kaya natumba ang bike ako. Napasubsob ako sa lupa at natikman ko pa ito.
Bumulalas ang tawanan at yung mga salita nila.
“Hala! Walang swimming pool diyan!”
“Taena! Walang palaka ka diyan!”
“Tulungan niyo naman hahaha!”
Hindi na ako nag-abala na may tumulong sa akin kaya minabuti ko na tumayo na sa pagkakasubsob, at tinignan ang lalaking humarang sa daraanan ko. Isa siya sa malakas na tawa.
Napapahawak pa ito sa tiyan na labis niyang ikinatuwa. Napapiling ako dahil ako ata ang trip nila ngayon. At sino ba ang lalaking ito? Bakit siya humarang sa dadaanan ko? Sinadya ba niya iyon, at kung oo ‘man, bakit?
Hindi ko nalang rin pinansin. Kinuha ko na ang bisikleta at nilagpasan ang lalaking hindi parin tumitigil sa kakatawa.
Hayaan ko siya, doon siya masaya eh!
Napalingon ako na may humawak sa braso ko, “Teka!”Siya ang lalaking humarang.
Inilayo ko ang braso ko sa kanya. Ano ang problema niya?
“You're my partners in crime.”Napaawang ang labi ko sa sinabi niya sa akin.
“Ano?”Nakakunot na tanong ko.
“Narinig mo diba?”Pagmamataray niya. Hinintay pa niya akong sumagot pero wala siyang narinig mula sa akin. “Yung dahon na iyan,”Turo niya sa aking dibdib kung nasaan ang napulot ko kahapon.
YOU ARE READING
If I Fall
Teen FictionMeet Aevy Rize Tovey. A high school student who's in love with autumn (season). She's an outcast in their room because no one wants to talk to her with a thought of she's a little bit weird. Then, with an unexpected day of her life, she met a guy wh...