Chapter II

24 2 0
                                    

Chapter II

1 week ago

Sunday.....


“Aevy, anak. Daliaan mo naman at baka maubusan tayo ng fresh na mga gulay.”

“Opo!”

Pupunta kami ni nanay sa store dahil tuwing Sunday ay namimili kami para sa magiging stock namin na pagkain. Alasingko palang nakahanda na si nanay habang ako nagbibihis palang.


Nang matapos ako magbihis madali akong lumabas. Naglakad lang kami ni nanay dahil sabi niya sayang ang pamasahe at hindi naman mainit ngayon araw. Sa bawat paglalakad namin ni nanay hindi maalis ang tingin ko sa mga dahon na patuloy sa paglalag.




“Ang bilis mag taglagas.”Untag ni nanay na sinanangayon ko naman dahil totoo iyon.


Nakarating na kami sa aming pupuntahan at nagsimula ng mamili si nanay na mga gulay na fresh pa at mura. Namili din ako ng mga gulay na gusto kong isama sa bibilhin niya.





“Bili din tayo ng mga patatas, nay.”Inilagay ko ito sa plastic bago timbangin.



Pumunta naman kami sa bilihan ng mga karne.

“Wala bang tawad ito? 150 nalang mukha naman kasing pasira na.”Saad ni nanay sa tindera na masama ang tingin sa kanya. Nahiya naman ako sa sinabi ni nanay dahil hindi naman talaga pasira ang paninda ni ate.

You know, gusto lang niyang mambarat sa mga binibilhan niya.

“Sige sa iba nalang kami.”Lilipat na sana kami sa iba pero pinigilan kami ng babae at ibinigay na niya ito sa halagang 150.

“Salamat! Ang bait mo talaga!”pambobola pa ni nanay.

Inabot sa akin ni nanay ang karne. Halos lahat sa akin niya pinabuhat dahil ang kapalit nito ay bibili siyang noodles na para sa akin lamang at yung kape.


Dahil maganda naman ang usapan namin, pumayag narin ako sa gusto ni nanay. Gusto ko pa sana humirit ng video games ay manga pero baka malaman niya na naglalaro na naman ako no'n.



“Nakakapagod,”Ramdam ko ang pagod ni nanay sa pamimili dahil ilang oras din kami nagikot-ikot dito.

May nakita pa nga akong nagtitinda ng manga pero pinigilan ko muna ang sarili ko.



May mga dumaan na mga kabataan sa harap namin ni nanay na mga nakaayos at may kasama pa silang ibang mga lalaki na halatang mga kasintahan nila.

“Tignan mo, Aevy. Ang gaganda nila magdala ng damit pero ikaw....”Bago niya pinagpatuloy ay tinignan niya ang suot ko.



“Eh? Hindi nga ako sanay sa mga ganoong pormahan, nay.”Sagot ko bago niya pa sabihin na mukha akong alila pag sumama sa kanila.


Tinignan niya ako ng masama bago nagsalita ulit. “Dalaga kana, Aevy. Kaya kailangan mong mag-ayos sa sarili mo at humanap ng boyfriend.”

“Nay, huwag mo nga akong ikumpara sa iba!”Angil ko naman.

But that's wrong move dahil nakatikim ako sa kanya ng batok. “Ikaw pa galit ah!”Bago pa niya ako makurot lumayo na ako sa kanya.

“Tara na nga po!”Ako na nag-aya kay nanay na umuwi. Baka ano na naman ang makita niya at sabihin na naman sa akin na gayahin ko iyon.

Habang papauwi kami nagtanong na naman si nanay about sa mga kaibigan ko, Eh, wala naman talaga akong kaibigan.


“Wala ba kayong gala ng mga kaibigan mo?”Tanong niya na paliko na kami sa maing kanto.


If I FallWhere stories live. Discover now