Chapter V

13 2 0
                                    

Chapter V

Nakapasok ako sa iskuwelahan na walang nakikitang bakas ni Autumn, ito ang pangalan ng manyak na iyon. Sa pagkakataon na din nito ay nakaligo na 'ko dahil maaga akong nagising. Pumasok na ako sa loob ng room namin na maingay dahil mga naguusap silang lahat. Nagtungo na ako sa lugar ko at umupo doon ng tahimik, isinabit ang ko bag sa kanan ng aking table.


Inilapag ko ang cellphone sa kaliwa at inilagay ang aking mukha sa lamesa habang nakatingin sa bintana. Buti nalang ay hindi ko nakita ang manyak na iyon ngayon araw. Sana sa susunod pa na araw hindi ko siya makita.




Pipikit na sana ako na biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko nalang pinansin dahil isa lang naman ang kakilala kong gagawa no'n. Ilang beses pang tumunog iyon pero hindi ko nalang pinansin hanggang may tumawag sa pangalan ko.




"Aevy!" Napapikit ako ng mariin dahil kilala ko ang boses na iyon.



"Siya si Autumn diba? Senior na siya at nasa star section siya at bakit niya kilala si Aevy?"Nagumpisa na naman ang mga bulong-bulungan sa akin.



"May relasyon sila?"Napatayo na ang ulo ko at napatingin sa gawi ng lalaking nakatayo sa harap ng pintuan ng room namin.

"Napakaimposible naman kung meron."Napatayo nalang ako para matigil na sila kung ano 'man ang naiisip nila tungkol sa akin.





Lumapit na ako kay Autumn na malaki ang ngiti niya sa akin. Nilagpasan ko nalang siya ng makalabas ako at sa ibang lugar kami magusap. Pinagtitinginan na kami ng iba pa naming mga kamagaral na halata ang mga gulat nila.



"Hoy! Napapahabol ka ah? Akala mo naman maganda ka!"Naikuyom ko ang kamao dahil naiinis na naman ako sa kanya.

Pinalangin ko na sana hindi ko siya makita na pero pumunta siya sa room namin at ngayon may issue na. Nakakainis! Ayoko ng ganito dahil baka mas lalo nila akong layuan at awayin dahil nga campus crush din itong si manyak sa school na ito.





Pero wala akong pakialam kung campus crush siya!



Huminto ako at huminto din siya. Wala ng studyante sa hallway na ito. "Bakit mo ako pinuntahan sa room?"Direstyong tanong ko.





Napahawak siya sa kanya bibig bago magsalita, "Uy! Kapal mo ah? Hindi kita pinuntahan may dinaanan lang kami at nang makita kitang walang kausap naawa ako sayo kaya tinawag kita."Ngumiti pa ito sa akin na kinainis ko lang.




Napahiya ako sa sinabi niya na may dinaanan lang sila pero naiinis ako sa word na 'naawa'.




"Hindi ko kailangan ng awa mo at kung ikaw din lang naman!"Pagmamataray ko ulit sa kanya.

"Kaganda! Sana all kinakaganda ang pagmamataray. Ikaw na nga ang kakausapin ayaw mo pa."Napanganga ako ng tinaasan niya ako ng kilay. Grabe! Lalaki ba talaga siya o bakla?




"Ayokong kausap ka!"





"Ako, gusto kitang kausap."Napaangat ang tingin ko sa kanya habang papalayo na siya sa akin. Lumingon ito sa akin at ngumiti nang nakakainis at may gana pang kumaway ah.




"Kita tayo sa rooftop during recess! May ibibigay ako!"Sabi niya bago siya tumakbo.



Nakabalik na ako sa room namin na pinagtitinginan nila ako. Maski yung mga lalaki na klasmate ko ay natingin sa akin at nanunuri ang mga ito. Umupo na ako sa aking upuan na naiilang dahil parang may gusto silang itanong sa akin.




If I FallWhere stories live. Discover now