Chapter IV
"Ayan ang sinasabi ko sayo! Bakit ba kasi hindi ka nagiingat ha?"Patuloy ang sermon sa akin ni nanay habang nililinis ang sugat ko.
Pagkauwi ko hindi ako nakapagtago sa kanya dahil saktong papalabas siya ng pintuan na makita niya ako, at doon na nagsimula ang sermon niya.
"Kumusta ang bisikleta?"Napadaing ako na diniinan niya ang kamay niya sa sugat ko."Okay naman po."Nahihirapang sagot ki kasi gigil si nanay masydo sa sugat ko.
"Mabuti naman at ayos ang bisikleta dahil mahal ang pagpapagawa ko doon at sisirain mo lang ulit!"Diniinan na naman niya ang pagdampi sa sugat ko.
"Ako na nga lang po, hindi naman gagaling ang sugat ko sa inyo eh!"Kinuha ko na ang bilak at ako na ang nagasikaso sa sarili ko.
"Ako'y magluluto na,"Tumayo na si nanay,"Tanga ka kasi, anak!"dagdag pa niya.
Haist! Ganun naman lagi si nanay eh. Naalala ko dati noong nakagat ako ng pusang gala malapit sa likuan papunta sa bahay, pinagalitan niya ako ng bonggang bongga. Gagastos na naman raw kani dahil ilang beses na akong nakakagat ng pusang gala.
Kaya ayon, kahit kailan hindi na niya ako pinapalapit sa mga pusa na iyan dahil mauubos ang pera ni nanay dahil sa injection ng anti-rabbies.
Naalala ko din na pag nakagat pa daw ako ng pusa hindi na niya ako papasaksakan at itatali nalang niya ako sa loob ng bahay. At tuwing gabi naman sasamahan niya daw ako sa itaas ng bubong namin.
Natatawa nalang ako s amga pinagsasabi ni nanay sa akin kasi hindi naman niya tinupad ang mga sinabi niya. In the end, nakagat ulit ako ng pusa makalipas ang isang taon hahaha.
Natapos ko ng linisin ang mga sugat ko. Pumunta na ako sa kusina na bigla akong tawagin ni nanay. Nagsimula na kaming kumain dalawa na tahimik dahil itong si nanay naubusan ng maibibida sa akin. Ako na ang naghugas ng pinagkainan ar nagpunas ng lamesa.
"Akyat ba po ako."Paalam ko na natapos na ako. Isinarado ko na ang pintuan ng kwarto ko at kinuha ang video games para makapaglaro na.
Maguumpisa na sana ako na biglang tumawag si nanay, "Aevy! May tawag para sayo!"Napakunot ang noo ko sa sinabi ni nanay.
Eh? Sino naman ang tatawag sa akin? Wala nga akong ka-close sa school eh, imposible na may tumawag. Sino naman kaya iyon?
"Opo!"Bumaba na ako at kinuha kay nanat ang telepono.
Tinapat ko ito sa aking tenga, "Hello?"
[Good evening, Miss! We wanted to say that you won a two ticket trip to the Tokyo this coming Saturday. How can you get this ticket? Simple, just give me your phone number and I will send to you the instruction. Reminder, this ticket is until today! I hope you won't missed this oppurtunity!]Napahawak ako sa aking bibig dahil sa narinig ko.
Hala! Hindi ako makapaniwala na nanalo ako! Hala, pangarap kong makapunta sa Tokyo dahil sabi nila maganda ang City na iyon. Hindi na ako nakapaghintay para makapunta doon at isasama ko si nanay.
"Here's my number,"Sinabi ko ang number ko sa kanya.
[Thank you, Miss!] Narinig ko pa siyang tumawa.
YOU ARE READING
If I Fall
Teen FictionMeet Aevy Rize Tovey. A high school student who's in love with autumn (season). She's an outcast in their room because no one wants to talk to her with a thought of she's a little bit weird. Then, with an unexpected day of her life, she met a guy wh...