04

172 37 5
                                    

Halt

📨 1 new message from Cy 📨

From: Cy

Bilisan mo naman diyan, bagot na bagot na ko dito.


I rolled my eyes when I read Cy's text message.

It was a typical Sunday morning. Miggy invited us to come to their newly-built gym dahil opening na bukas, at gusto niya raw na kami ang unang gagamit ng equipments doon.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay agad na bumungad sakin ang mukha ni Cyrus na animong pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha.

"Ginagawa mo diyan?" tanong ko at tinulak siya.

"Wow nanunulak ikaw kaya itulak ko?" bakas ang pagka inis sa boses nito kaya natawa akong bahagya. "Ba't ba kasi ang tagal mo?" He asked, watching me enter his car.

I turned around and looked at him. "Sino ba kasing nagsabing magpunta ka ng alas singko dito? 'di ka naman siguro atat na makita ako?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Ikaw nga pasundo pa eh, wala kang sasakyan?"

Alam ko namang may kasalanan ako pero kasi duh! ang aga niya kayang magpunta. Ang sabi ko agahan niya lang ng konti hindi agahan ng punta, may difference kaya 'yon!

Pumasok na lang ako ng sasakyan niya para hindi na kami magbangayan pa sa tapat ng bahay. It's almost six in the morning and I'm sure tulog pa mga kapitbahay namin, baka batuhin pa kami ng kaldero ni Cyrus kapag nag sigawan pa kami sa labas.

"Did you finish your report?" Cy asked and started the engine. "sa UCSP."

Napapikit ako ng maalala kong wala pa pala akong nasisimulan na kahit isang slide para sa presentation ko bukas.

"I haven't started a single slide yet."

"Ay sayang, papagawa din sana ako sa'yo, eh."

"Wala ka bang kamay?"

"Obvious ba?"

Biglang nanlaki ang mata ko nang marealize kong hindi pala ito nakahawak sa manibela.

"Gago ka ba? May balak ka bang patayin ako?"

He laughed. "OA."

Hindi naging ganon katagal ang pagpunta namin sa gym nila Miggy dahil wala pang masyadong sasakyan at tao sa labas, nauna na ring bumaba si Cyrus dahil bibili pa raw siya ng bottled water.

I retouched myself and texted Miggy bago pumasok. Wala pang tao sa may front desk dahil hindi pa naman talaga opening ng gym nila. Nagtungo muna ako sa locker room para ibaba ang gamit ko at makapag ayos rin ng sarili.

"Ouch!"

Napahawak ako sa noo ko nang may naramdaman akong matigas na nakabangga sa akin. I felt a soft bump in my forehead nang hawakan ko 'yon. Inis akong nagpatuloy sa paglalakad. I don't wanna ruin my day and as much as possible ayaw kong makipagsigawan sa kung sino mang nakabangga sa'kin.

"Miss, are you okay?" The man asked. Ramdam ko ang presensya nito sa likuran.

I gestured the okay sign before opening the locker to get my phone. Hindi ko na inisip silipin pa kung sino mang nakabangga sa'kin dahil alam kong mababadtrip lang ako kung sakaling gawin ko 'yon.

"Fucking clumsy." Minasahe ko nang mas madiin ang aking noo'ng may umukit na isang maliit na pantal. I pushed my thumb harder, feeling a bit pain. Kagat-kagat ko ang labi habang nakatingin sa salamin.

Running After The Dusk (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon