10

154 26 5
                                    

Halt

Maybe at that moment, I could say that I got worried. Siguro ay dala na rin ng pang-guilt trip ni Andrei, but I know for sure na totoo nga ang sinasabi n'yang kakainin ako ng sarili kong konsensya, dahil heto ako ngayon, patuloy na tumatakbo at hinahanap ang anino ni Vino.  

I hate myself! Hindi ko ba alam kung bakit balisang-balisa ako kakahanap sa kanya! I shouldn't be finding him, I shouldn't be caring about him, diba? Ano naman kung mawala siya, ano naman kung anong maisip n'ya? And since when did I start caring about what other people think - lalo na at s'ya pa?! 

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita ko si Vino'ng nakaupo sa tapat ng isang abandonadong kuwarto - nakatungo ito habang pinaglalaruan ang mga alikabok sa lupa na tinatangay ng hangin kung saan. Tatlong malalim na hininga ang hinugot ko bago mapagpasyahang lumapit sa kanya. 

"Where did you go? I was looking for you." 

Nakita ko kung paano s'ya tumigil sa pagkutkot ng kanyang sapatos. Ang kaninang madilim nitong tingin ay napawi at napaltan ng malamig na ekspresyon. Even so, I took the risk of sitting beside him. 

Kahit hindi nakatingin ay kita ko sa gilid ng aking mata kung paano n'ya ako panooring umupo. Suminghap ako at inipon ang buong lakas upang tumingin sa kanya. There I saw him looking at me with eyes of deer. 

"Y-yung team mates mo, nakauwi na ata." 

"Why are you here?" His voice was deep, yet calm and steady.

"I-I was looking for... you." Hinila ko ang windbreaker n'yang nakasabit sa'king baywang at inilahad sa harapan. "I mean... ibabalik ko kasi 'to."

May ilang segundo ang lumipas bago n'ya tanggapin 'yon. Binitbit n'ya ang kamiseta sa kanyang malapad na balikat bago muli akong tignan, tila nag-aantay kung may sasabihin pa. Ngunit kahit anong gawin ko ay walang salitang lumalabas mula sa'king bibig. I saw him shook his head before standing up, mukhang aalis na. 

"About what happened..." Panimula ko nang bigla s'yang tumayo. He stopped then looked at me with questioning eyes. Napatungo naman ako. "Kanina... sa parking lot."

I heard him scoff. "Hmm?" 

"I-It's not what you think it is." Nauutal kong sagot. 

Vino's eyes narrowed. Ipinilig n'ya ang kanyang ulo patagilid, animo'y hindi nage-gets ang sinabi ko. "Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" 

For a moment, I stood frozen. Ano nga ba ang iniisip ko?! 

"I see where you're coming from," Ngumisi s'ya ng hilaw. Hindi ko ba alam kung bakit pakiramdam ko kailangang himayin at i-explain pa sa kanya na ang nakita n'ya kanina ay wala lang!  "Wala akong pagsasabihan ng nakita ko, if that's what you're worrying about." 

"He's a friend." 

Humarap s'ya sa'kin at nagkibit-balikat, para bang ipinag-sawalang bahala lang ang sinabi ko!

"He's really just a friend! Bakit ba ayaw mong maniwala?" 

"In that position? Friends, huh?" May halong panunuya ang kanyang boses. Unti-unti s'yang lumapit. From that, alam ko nang kahit anong gawin ay hindi s'ya maniniwala. But, heck! Ano naman kung hindi di'ba! "Is that how you treat your friends?" 

The anger boiled inside me. Matalim ko siyang tinignan, ngunit nakataas lang ang gilid ng labi nito, halatang nang-aasar. I scoffed as I watch him smirk even more! Nakakainis!

"Is that what you think of me?" I know for sure that the reflection of disappointment was hanging in my voice. Ang ngisi nito ay unti-unting naglaho. "You know what? I don't know what's the point of this! I'm leaving, God, why did I even find you?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Running After The Dusk (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon