Halt
"Did you just smile?"
Gulat niyang tanong sa'kin habang nakatitig sa mukha ko. Ang bilugan nitong mata ay mas lalong lumaki, tila ba hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Agad kong tinanggal ang mga ngiti sa'king labi at nag-iwas ng tingin.
Did I really just smile?
Kung oo, ay bakit?
"Hindi, guni guni mo lang 'yon!" Pagtanggi ko.
"Anong guni-guni?! Nakita ng dalawa kong mata na ngumiti ka ha!"
I looked back at him. Pinigilan ko ang mga tawang nagbabadyang lumabas sa'king labi nang tumambad sa'kin ang naglalakihan nitong mata.
"You know what? Aalis na 'ko."
Ang pawisan nitong kamay ay mabilis na pumulupot sa'king braso. Chills went down once again to my veins.
"Teka, sandali."
"Ano na naman?"
"Ikamamatay mo ba ang pagsabi ng totoo? Wala namang masama kung sasabihin mong kinilig ka sa sinabi ko, e."
Inis kong tinanggal ang kanyang kamay. "Ang drama mo, no?! OA ka! All in one package ka na, e. Alam mo ba 'yon?"
Umiwas ako ng tingin bago lumayo ng ilang dipa. Nakakainis! The moment I decided to come here, alam ko na walang sawang asar na naman ang makukuha ko mula sa kanya, pero pumunta pa rin ako!
"Mag ayos ka nga ng damit don!"
He was still covered with sweat because of the training kanina, but I must admit na kahit pawisan ito ay walang amoy na umaalingasaw galing sa kanyang katawan.
"Bakit? Concerned ka kasi baka magkasakit ako, no?"
"Hindi, ang laswa mo kasing tignan!"
Narinig ko pa siyang gayahin ang sinabi ko bago magtungo sa kabilang bleacher para magpalit ng damit. Huminga na lang ako ng malalim at binuksang muli ang purse ko, ibinaba ko ang lighter sa'king tabi at tumayo. He was now wearing a new set of jersey. Kulay bughaw ito at naka ukit ang pangalan ng school nila kasama ang number na thirteen.
"Ayan na lighter mo, uuwi na 'ko."
"Sandali."
"For the love of God, Vino... Ano na naman?!" Nakipaglaban ako sa mga titig ng mga mata niya. "I already gave your lighter, ano pa gusto mo gawin ko dito? Icheer ka?" I said sarcastically.
Kinuha niya ang lighter at binalik muli sa kamay ko. I watched him enclosed it to my palm. Nakakunot ang noo kong binalik ang tingin sa kanya.
"I don't need it... yet."
Iritado kong binawi ang aking kamay.
"You don't need it pala, e! Bakit pinapapunta mo pa 'ko rito?" Nanatili akong nakatingin sa kanya, naghihintay ng sagot. He let out a stuttering breath before moving backwards.
"I want to see you."
Consciously, I felt my brows furrowed even more.
"Ngayon, nakita mo na 'ko, can I go now? and, stop fooling around, will you?"
"Eh, sino bang nagsabi na nagbibiro ako?"
"Sige! Galingan mo pa."
This is wrong. This is just so wrong. Dapat hindi na lang talaga ako nagpunta rito dahil wala rin naman akong mapapala sa lalaking 'to. Ano ba kasing pumasok sa isip ko para pumayag na ibalik ang walang kwenta n'yang lighter, at dito pa talaga sa eskwelahan nila, ha?!
BINABASA MO ANG
Running After The Dusk (UNDER MAJOR EDITING)
Teen FictionBOOK 1 STATUS: UNDER MAJOR EDITING | COMPLETED Maybe she stopped believing in love after all the pain from the past. In a world full of temptation and desires, Halt Minerva is different as she never takes any interest in liking men. Although she a...