Halt
"Halt! Gosh, look at you, you're still so stunning!"
Agad kaming napalingon ni Cyrus sa babaeng nagsalita mula sa tabi. It was Keflene, my classmate and probably my biggest enemy during the sophomore year. She has the biggest crush on Cy kaya naman ang laki rin ng galit n'ya sa'kin dahil lagi kaming magkasama noon — kahit obvious naman talaga na magkaibigan lang kami.
"Hey, it's been a while!"
Mukhang nilapitan n'ya lang ako dahil sa'king kasama. I tried to maintain a friendly face, even if both of us knew how much she hated me.
"Yeah, I didn't expect to meet you here!"
Keflene's eyes widened when it landed on Cy's hand around my waist. Tatanggalin ko sana 'yon pero mas hinigpitan niya pa ang paghawak — baliw talaga.
"You guys are together?"
Tinignan ko ng masama si Cyrus pero nanatiling diretso ang tingin niya sa babae. Walang pag aalinlangan s'yang tumango. Ngumiti na lang din ako at napagpasyahang makisabay, tutal ito naman talaga ang purpose ng pagiging date ko ngayong gabi. Keflene flashed a fake smile before bidding us her farewell.
"Plastic bitch." I murmured as soon as she left the place. Nakita pa naming lumingon siya ng ilang beses bago tuluyang mawala ang anino. "You know what, it's a good thing that you didn't end up with her." Kumunot ang noo nito pero nanatili pa rin siyang nakikinig sakin. "Hindi kami magkakasundo, I hate her!"
I turned back on Cyrus, he was smirking in victory — tila ba isang karangalan na napaalis namin ang babaeng 'yon.
"Di ko rin type, maliit eh."
"Wow." Kumurba ng bilog ang bunganga ko. "That's already okay, I mean — the size. Really? Do you want something bigger?"
"Malamang!" Natatawa n'yang sagot bago tanggalin ang nakapulupot n'yang kamay sa'king bewang. "Saka galing na rin sa'yo, sabi mo di kayo magkakasundo."
True enough! Nung sophomore year kasi, takaw gulo si Keflene lalo na sa mga nagkakagusto kay Cyrus. Tanda ko pa nga kung paanong nagkaroon sila ng confrontation ni Cy nang makita nitong sinabunutan ako ni Keflene after n'yang malaman na ako pala ang partner ni Cyrus sa prom tapos babatiin n'ya ako kanina na parang walang nangyari? The nerve!
Sa hindi kalayuan ay natanaw ng dalawa kong mata si Miguel. Ituturo ko pa lamang sana, naunahan na ako ni Cyrus sa pamamagitan ng paghila sa'kin papalapit sa isang round table kung saan pinalilibutan sile ng mga hindi pamilyar lalaki. Mga matatangkad at matitipuno ang mga katawan nito — I guess these are their team mates from our school.
"Pare, kumusta?"
"Uy, pare! Ayos lang. Nag-eenjoy ba kayo?"
"Makatanong ka naman, akala mo ikaw ang may birthday!" Hirit ng isang lalaki bago tumungga ng alak. Nagtawanan naman silang lahat.
"Narito na pala ang ating Princess Halt!"
Miguel in his usual annoying tone greeted me with a beso-beso. Tinignan ko pabalik si Cyrus na nagbabadyang sumagot pa kaya itinikom na lang nito ang kanyang bibig bago humingi ng isang shot glass. Gustuhin ko mang makihalubilo sa kanila, but Kleo told me that her designer's going to accompany me para magkita kami backstage, kaya naman panandalian muna akong lumihis ng landas playo at napagpasyahang umikot sa loob.
Tinignan ko ang kabuuan ng venue. It was filled with lights and beautiful designs, kapansin-pansin rin ang mga chandelier na nakasabit sa runaway kung saan tingin ko'y maglalakad si Kleo mamaya. The bright shade of colors perfectly matched together. No wonder she came late last night din kasi halata namang pinaghandaan talaga. Kleo must be lucky to have this kind of life as she has everything. The fame, money, a beautiful face, and a lovely family.
BINABASA MO ANG
Running After The Dusk (UNDER MAJOR EDITING)
Ficção AdolescenteBOOK 1 STATUS: UNDER MAJOR EDITING | COMPLETED Maybe she stopped believing in love after all the pain from the past. In a world full of temptation and desires, Halt Minerva is different as she never takes any interest in liking men. Although she a...