Halt
Kung may isang libong beses ko sigurong minura ang sarili ko ay mayroon na. Wala sa plano ko ngayong umaga na sumama kay Vino, but God! Hindi ko ba alam kung bakit ko rin naisipang pumayag sa lalaking 'to!
Me and him? In one freaking place?!
"May I have your order, ma'am?" Ngumiti ang babae sa kahera nang magtama ang tingin namin dalawa. I nodded as I skim the menu pasted on the fine wall of the fast-food chain.
"One piece chicken with rice and for the drinks... hot choco na lang. I guess that will do."
Pinikit ko nang marahan ang aking mga mata para tignan nang mas maigi kung tama ba ang pagkaka order ko. I turned back to ask Vino for his order only then I found him quietly staring at me. Kinailangan ko pang pitikin ang daliri ko para bumalik siya sa reyalidad!
"Quit spacing out, will you?" Inis kong baling bago tanungin ang kanyang order.
"Hmm,"
He placed his finger on his cheek, then he looked back at me. Kuminang ang mata niya bago ibaba ang daliri na nakatusok sa pisngi.
"Ikaw."
I gave him a disgusted look.
"Mukha ba 'kong pagkain?"
"Pwede, yung panis nga lang." Aniya na may halong panunuya bago tumingin sa babae. Nakita ko pang kinindatan n'ya ito bago magsalita, "I'll have the same order as hers, miss."
"Wala talagang pinipiling lugar 'yang kalandian mo, no?"
"Bakit, selos ka?"
I turned back at him. "Selos mo mukha mo!"
Lumabas sa harap ng monitor ang total bill namin. Itinabig ko ang kamay ni Vino nang magtangka itong kunin ang wallet mula sa kanang bulsa. I don't want to owe him another meal, baka patuloy ko pang pagsisihan at magkaroon ng utang na loob. Sapat na yung libre n'ya sa Vikings at ayaw ko nang maulit 'yon kahit kailan!
Kunot-noo naman siyang humarap sa'kin.
"Let me pay." Sagot ko bago humugot ng limang daan sa'king wallet, ngunit mabilis n'ya namang hinablot 'yon dahilan para mapa-angat ako ng tingin! Ang kaninang magkasalubong n'yang kilay na ekspresyon ay lumipat sa'king mukha.
"Ano ba?!"
Pinanood ko s'yang ibalik ang papel na pera sa kulay itim kong wallet. "Ako ang nag-aya sa'yong kumain, hindi ba? Dapat lang na ako ang magbayad." He said that with conviction as he offered back my purse. Hindi na ako nakapag-protesta pa dahil tinanggap na rin ng kahera ang card na nilabas niya.
"Ito po." Nakangiting ibinigay ng babae ang resibo kay Vino matapos magpipindot sa monitor at humarap sa'kin, mas lumawak ang ngiti nito, tila ba nang-aasar. "Boyfriend n'yo po ba si sir?"
Mabilis naman akong tumanggi. "Naku, hindi po!"
Sumagot naman si Vino, "Indenial lang s'ya, miss!"
"PA ko s'ya. Pasensya na, ha? Nakaka-istorbo masyado sa trabaho mo."
Kinuha ko ang order number namin sa harapan at pinasadahan ng matamis na ngiti ang kahera. Magsasalita pa sana si Vino, mabuti na lang ay nahigit ko na s'ya kalapit sa bakanteng mesa kung saan kasya ang apat na tao.
"PA, anong PA?!" Bagot nitong sagot nang makaupo ako sa harapan n'ya. I looked at him, unimpressed. "Mukha bang PA mo ang mukhang 'to?!" Inilagay n'ya pa ang likod ng kanyang palad sa ilalim ng baba, halatang naiinis na, so I did the same thing!
BINABASA MO ANG
Running After The Dusk (UNDER MAJOR EDITING)
Novela JuvenilBOOK 1 STATUS: UNDER MAJOR EDITING | COMPLETED Maybe she stopped believing in love after all the pain from the past. In a world full of temptation and desires, Halt Minerva is different as she never takes any interest in liking men. Although she a...