Napabalikwas ako sa kama at agad na bumangon ng marinig ko ang boses ni mama, nilingon ko ang alarm clock na nasa tabi ko 5:45 palang, agad akong nagtungo sa cr upang maligo pagkatapos ay nagsuot lang ako ng short at sando.
Agad akong bumaba at naabutan ko si mama na sinisermonan si kuya. Nakabusangot ito habang ngumunguya ng tinapay na animong bata, napatingin ito saakin at mas lalong sumimangot tumawa ako ng mahina at tinapik sya sa balikat ng makababa na ako
"Goodmorning kuya, ang ganda ng umaga napapansin mo ba?" Tanong ko na may halong pang-aasar habang ngumingiti ako ng malawak na mas ikina simangot nito
"Tigilan moko Andrei hindi ako natutuwa tsss" angil ni kuya at inirapan ako na mas ikina ngiti ko
"Bawasan mo ang paglalaro ng online game na iyan Jersey sinasabi ko sayo" bulyaw ni mama kay kuya habang nag hahain ng pagkain sa lamesa
Kinindatan ko si kuya habang nakuha akong tinapay na agad ko ring kinain at nagtungo sa kusina upang tulungan si mama
"Ma, ako na po jan" mahinhing ani ko kay mama habang nililingon ko si kuya at nakangiti akong nagtaas baba ng kilay
Pag balik ko sa lamesa ay inilapag ko ang dalawang baunan ng kanin na babaunin namin ni kuya at sinandukan ko iyon
"Sipsep" bulong ni kuya habang naka ngiwi saakin
"Its ok kuya, i feel you ganyan talaga pag pinapagalitan. Pati maliit na bagay pinag iinitan HA HA HA" sabi ko na may halong pang aasar at kunwari'y natatawa
"Anlakas mo mangasar, baliw"
"Kuya, kuya you have been slain HAHAHAHAHA" pang aasar ko sakanya, napa ngiwi ito kaya mas lalo akong natawa
"Oh Andrei, Jersey hala sige at bilisan nyo ang kilos nyo at ng makapasok na kayo baka mahuli pa kayo sa klase" sabi ni mama na papalapit saamin habang may hawak na plato
Binilisan ko ang pagkain at si kuya naman ay agad tumayo ng tapos na itong kumain at umakyat sa kanyang kwarto
"Iyang kuya mo ay nahihilig sa online game na iyan, ano ba ang tawag don?" Sabi ni mama na animong nag iisip pa
"ML po ma" sagot ko habang inaabot ang baso ng tubig
"Ayon nga, ay ewan ko ba dyan sa kuya mo" ani mama at mukhang problemado kay kuya
"Ma, akyat na po ako magbibihis na" agad akong tumayo ng tanguan ako ni mama
Pag akyat ko sa kwarto ay isinuot ko ang aking uniporme at nag ayos ng aking sarili pagkatapos ay inayos ko ang mga gamit ko at inilagay iyon sa bag na agad kong isinukbit sa aking likuran
Pagbaba ko ay naabutan ko si kuya na kinukuha ang kanyang baunan habang si mama ay nasa sala na at nanunuod ng T.V
Lumapit din ako sa lamesa at kinuha ang baon kong kanin.
"Ading" tawag sakin ni kuya "sabay tayo pumasok" sabi nito habang isinusukbit ang kanyang bag
Tumingin ako sakanya at bahagyang ngumiti habang inilalagay ang baunan sa bag ko. Ading ang tawag sakin ni kuya, na ang ibigsabihin ay 'bunso'
Sabay kaming humalik sa pisngi ni mama at nagpaalam na para pumasok. Kapag sabay kaming pumasok ni kuya ay nilalakad lang namin ang papuntang school dahil hindi naman ito kalayuan at maaga pa naman, pero pag nauuna syang pumasok o ako ay nagtatricycle kami
BINABASA MO ANG
When the last teardrop falls
Teen FictionMay mga tao tayong makikilala at hindi natin alam kung ano ang magiging papel nila sa ating buhay, hindi natin malalaman kung ang mga taong yun ay sasaktan lang tayo o pagmamahal ang dulot nila. Hindi maling magmahal kahit nasasaktan kana pero malin...