Chapter 3

50 6 0
                                    

Dali dali itong umupo sa tabi ko at tinanggal ko naman ang earphone na nakalagay sa tenga ko

"Magandang umaga pokaler!" Bungad nito sakin

"Walang maganda sa umaga Cyrene pag sayo nanggaling" nakangiwi kong tugon sakanya

"Ay JuiceMother! Nagmamaganda ka? Aga aga ang jinet ng ulo?" Aniya

Hinigit ko sya palapit sakin at bumulong

"Wanjo poks nagkatinginan kami ni Jameson kanina, di naman bigdeal yon eh kaso yung tugtog ko When I look at you, sumakto mismo yung linya na yon nung nagkatinginan kami"  bulong ko at nasapo ang sariling noo

"Omooo!" Napatayo sya at napatakip sa kanyang bibig habang nakaturo sakin

"Sige sumigaw ka bibigwasan kita" pagbabanta ko

Agad itong napaupo at lumapit sakin

"Ang harsh mo poks, pero dinga? Yieeeee ayan ha hindi kapa nagpopost sa facebook yung item na mismo nalapit sayo HAHAHAHA" sabi nya na medyo hininaan ang boses

"Lechugas! Diko sya crush noh"

"Ay we?! Poks, brainy yan! Tas oh" pag ngunguso nya kay Jameson "Gwapogi poks"

Saglit ko itong nilingon at tama nga si Cyrene, gwapo sya HAHAHAAHA hindi ko yon napansin ah

Hindi na kami nag usap pa dahil dumating na ang math lecturer namin

"Ok class our topic for today is about theorems on inscribed angles" pagsasalita ng lecturer "there are three cases of each theorem, can anyone explain those cases to me?" Tanong ng lecturer

Agad na nagtaas ng kamay si Jameson

"Yes Salvador?" Tawag ng lecturer at agad na tumayo si Jameson

"If an angle is inscribed in a circle, then the measure of the angle equals one half the measure of its intercepted arc or the measure of the intercepted arc is twice the measure of the inscribed angle" paliwanag ni Jameson

"Very good Salvador, ok sit down" anang lecturer at umupo na si Jameson "two more cases? Anyone?" Tanong ng lecturer at agad naman akong nagtaas ng kamay

"Yes Villanueva?"

Tumayo ako at sumagot "If two inscribed angles of a circle or congruent circles intercept congruent arc or the same same arc, then the angles are congruent" paliwanag ko

"Very good Villanueva, ok another one" sabi ng lecturer at pinaupo ako, nagtawag naman ito ng isa pa

"If an inscribed angle of a circle intercepts a semicircle, then the angle is a right angle" sagot ng kaklase ko

Nagturo pa ang lecturer at pagkatapos ay nagsulat kami, ilang lecturer pa ang nagturo at matapos non ay nagligpit na kaming gamit para makapag lunch

Nilingon ko si Cyrene at bumulong "poks sabay kami ni Genesis maglalunch"

"Ay so ano to solo flight ako ganon?" Pagtataray nya habang nakahawak sa baywang

"Walang isang oras yon, wag ka mag inarte babalik din ako agad" bulyaw ko "Oveeer, kala mo naman talaga..." Dagdag ko

"Oo na sige na puntahan mo na salamat sa lahat" pag iinarte nya na kunwari'y nagpupunas ng luha with matching pagsinghot pa tsss

"Saglit nga lang ako poks babalik din ako wag moko artehan hindi bagay" sabi ko na inirapan pa sya

"Oo na joke lang sige na shoo shoo" pagtataboy nito at iwinagayway pa ang kamay, ginawa pakong aso amp

When the last teardrop fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon